Apoy sa Balsa (66)
TUMINGIN si Kael nang deretso sa lente ng main camera. Matapos sumigaw ang direktor ng CUT.
Sa pamamagitan ng camera lens, tumagos ang kanyang tingin patungo sa gilid ng studio, saan nakatayo si Rhea sa tabi ng monitor.
“Kael, sa mga tingin mo pa lang, dapat ipakita mo na patay na patay ka kay Winona. ‘Yung tipong kaya mong ibigay ang buong buhay mo para sa kanya. Kuha mo?”
“Kuha po, Direk.”
Ibinuhos ni Kael ang lahat ng emosyon mula sa kanilang lihim na ensayo noong nakaraang gabi—ang lambing, ang pangako, at ang matinding pagnanais na siya lang ang makakita.
“Hindi mo kailangang mag-alala,” bigkas ni Kael sa kanyang linya, ang boses ay mababa at puno ng totoong damdamin habang nakatitig sa lens. “Kahit gaano pa karami ang nakatingin sa atin, ikaw lang ang nakikita ko.”
Tumahimik ang buong studio. Maging si Winona ay natigilan sa matinding kuryenteng naramdaman mula sa binata, ang akala niya ay para sa kanya ang pambihirang titig na iyon.
“CUT! Outstanding!” sigaw ng direktor habang pumapalakpak. “That was magic! That chemistry was insane!”
Nagpalakpakan ang crew sa tuwa, habang si Winona ay napangiti nang malaki, tila kinilig sa pag-aakalang nakuha niya ang puso ng bagong modelo.
Ngunit sa gitna nang maingay na palakpakan at liwanag ng mga ilaw, dahan-dahang ibinaba ni Kael ang kanyang kamay. Tumingin siya muli sa dulo ng silid.
Sa likod ng maliit na monitor, nakatayo si Rhea, hawak ang kanyang clipboard, may maikling ngiti sa labi, at nagniningning ang kanyang mga mata habang alam nilang dalawa kung para kanino talaga ang eksenang iyon.
(Itutuloy)
- Latest
















