^

Metro

Acting PLM President: ‘Functional control’ hindi umiiral sa Kongreso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni dating law dean at acting Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) Atty. Jose “Judd” Roy III na hindi maaaring ipatupad sa Kongreso ang konsepto ng “functional control” na karaniwang gina­gamit lamang sa executive branch ng pamahalaan.

Ang pahayag ni Roy ay tugon sa pahayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na may “functional control” umano si dating Speaker Martin Romualdez sa national budget.

Ayon kay Roy, nagulat siya sa teorya na functional control dahil hindi naman ito applicable sa lehislatura.

Aniya, pantay-pantay ang mga miyembro ng House of Representatives dahil lahat ay halal ng kani-kanilang distrito at ang mga posisyon tulad ng Speaker at committee chairmanships ay pini­pili sa pamamagitan ng eleksiyon.

Bagama’t maaaring mas maging maimpluwensiya ang ilang kongresista dahil sa laki ng kanilang partido o bilang ng kanilang mga kaal­yado, hindi ito nanga­ngahulugan na may kontrol sila sa kapwa mambabatas.

Binigyang-diin ni Roy na hindi maaaring diktahan ng House Speaker kung paano boboto o kikilos ang mga kongresista dahil mayroon silang sariling mandato mula sa kanilang mga nasasakupan.

PLM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with