^

True Confessions

Ang Kapitbahay (122)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Natigilan si Vince nang makita na luma­bas ng bahay si Ram. Bakit kaya sandali lang ito? Noong nakaraan, na­alala ni Vince na dala­wang oras itong namalagi sa bahay kasama si Brenda.

Mabilis na lumabas sa gate si Ram. Naglakad palayo.

Ilang minuto ang lumipas, dumating na si Margie. Muntik nang maabot si Ram.

Natunugan kaya ni Ram at Brenda na darating na si Margie kaya umalis nang maaga ang lalaki?

Baka alam ni Brenda ang oras nang pagdating ng ina kaya pinaalis niya nang maaga si Ram?

Muli, naisip ni Vince na dapat nang malaman ni Renan ang ginagawa ni Ram sa anak nito. Masisira ang kinabukasan ni Brenda kapag nagpatuloy ang relasyon. Ang masakit, kalaguyo pa ni Margie ang nagwawasak sa kinabukasan ni Brenda. Nalason na kayang tuluyan ang isip ni Brenda kaya pumatol kay Ram?

O sadyang umibig dito?

Pero sa pagkaalam ni Vince, may boyfriend si Brenda. Nakita na niya minsan ang bf nito. At sa pakiwari ni Vince, may nangyayari na rin sa dalawa. Nakita niya minsan, nagtagal din ang bf ni Brenda sa bahay—halos dalawang oras. Imposible namang nagkukuwentuhan lamang ang mga ito kaya tumagal nang ganun.

 

Makalipas ang isang buwan, napansin ni Vince na hindi niya nakikita si Brenda. Baka nagbaba­kasyon sa kung saan. Ang alam niya, nag-graduate na ito sa kolehiyo.

Hindi rin naman niya nakikita si Ram.

Ang mga katanungan ni Vince ay sinagot mismo ni Margie.

Nagdidilig si Vince nang umagang iyon nang makita si Margie na tila tulala sa may pintuan ng bahay­. Nakatingin sa ka­walan.

Hindi niya iniwa­san, bagkus, kinumusta si Margie.

(Itutuloy)

ANG KAPITBAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with