^

True Confessions

Ang Kapitbahay (121)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PATULOY na sinubaybayan ni Vince ang kilos­ ng mag-inang Margie at Brenda. Gusto niyang ma­kitang pagbabago sa ginawa niyang lihim na pag­susumbong kay Renan­. Baka may ginawang hakbang si Renan.

Pero sa obserbasyon ni Vince, walang nangyari. Walang pinagbago sa mga nangyayari sa kanyang kapitbahay.

Isang umaga, dakong alas otso, nakita niyang umalis si Margie. Tila nag­mamadali.

Naiwan kaya si Brenda sa bahay o nasa school?

Makalipas ang kalahating oras, dumating sa bahay ang “kalaguyong” si Ram.

Nakita niyang lumabas sa bahay si Brenda at binuksan ang gate. Naiwan pala si Brenda sa bahay. Maaring mamaya pang hapon papasok sa unibersidad.

Pumasok si Ram sa bahay na parang walang anuman.

Hindi umalis sa tabing bintana si Vince. Naglalaro na naman ang kanyang imahinasyon sa maaring­ nangyayari sa loob ng bahay. Ayaw man niyang isipin, sinasamantala na naman ni Ram ang kasariwaan ni Brenda.

Paano kaya kung big­lang dumating si Margie at mahuli ang dalawa?

Muli naman niyang na­alala ang ginawang pagtext kay Renan sa Saudi at sinumbong ang ginagawa ni Margie.

Naisip ni Vince, ano kaya at isumbong niya ang ginagawa ni Ram kay Brenda?

Para malaman na ni Renan ang lawak ng sira na dinulot ng pagtataksil ni Margie. Baka masira na nang tuluyan si Brenda kung walang gagawin si Renan.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with