^

True Confessions

Ang Kapitbahay (120)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINAGABIHAN, tinext ni Vince si Renan sa Saudi gamit ang ibang cell phone at sinabi ang nangyayari sa asawang si Margie.

“Kaibigan, nagmamalasakit lamang ako. Gusto kong malaman mo na may nangya­yaring hindi maganda sa asawa mo. Mayroon siyang ginagawang “bawal” na sumi­sira sa pagsasama ninyo. Mas makabubuting subaybayan mo siya Huwag mo nang alamin kung sino ako. Ang mahalaga, naipaabot ko ang mga nangyayari.”

Hindi nakatanggap ng reply si Vince mula kay Renan. Naisip ni Vince na nag-iisip marahil si Renan.

Lumipas pa ang ilang araw at walang natanggap na anuman si Vince mula kay Renan.

Nag-isip si Vince.Ano kaya ang binaba­lak ni Renan ngayong may nalaman tungkol kay Margie? Naniwala kaya o nagdududa? Maaring nag-iisip na “naninira” lamang ang nag-text at hindi dapat pansinin.

Patuloy namang iniwasan ni Vince na magkausap sila ni Margie. Sinubaybayan na lamang niya ang mga kilos ni Margie at Brenda.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with