Kapitbahay (110)
HABANG nagdaraan ang mga araw ay nagiging kapana-panabik para kay Vince ang mga nangyayari sa kanyang kapitbahay. Pagkagising sa umaga ay agad siyang sisilip sa bintana at tatanawin ang kapitbahay na si Margie na nagwawalis sa bakuran. Pagkatapos magwalis ay magdidilig. Sinusundan ni Vince ng tanaw ang bawat ginagawa ni Margie.
Habang nagdidilig ay lumabas ang anak nitong si Brenda. Papasok sa unibersidad. Dati ay panghapon ang eskedyul ni Brenda. Bakit kaya naging umaga? Baka may aasikasuhin sa school? Kung hindi siya nagkakamali ay ga-graduate na ito sa kolehiyo.
Nakita niyang nagpaalam si Brenda kay Margie. Inabutan ng pera. Baon. Pagkatapos ay humalik sa ina. Umalis na ito.
Sexy si Brenda. Naalala niya ang nangyari noon isang araw—pinapasok ni Brenda si Ram sa bahay kahit walang kasama. Nag-imadyin na naman si Ram ng mga nangyari kay Brenda at Ram.
Natapos ni Margie ang pagdidilig sa mga halaman.
Pumasok na ito sa bahay. Hindi lumabas. Nanatili si Vince sa tabing bintana.
Makalipas ang kalahating oras, dumating si Ram. Hindi mapakali si Vince sa tabing bintana. (Itutuloy)
- Latest

















