^

True Confessions

Ang Kapitbahay (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Matagal bago nakapasok ng bahay si Margie. Kumakatok siya sa pinto pero walang nagbubukas ng pinto. Baka hindi naririnig ni Brenda ang katok ng ina. Pero imposible naman dahil hindi naman kalakihan ang bahay. Kahit nasa kusina o nasa bedroom, maririnig ang kuma­katok.

Baka naman nasa comfort room si Brenda. Baka naliligo kaya hindi marinig ang katok ni Margie.

Maya-maya, nakita ni Vince na bumukas ang pinto at pumasok si Margie.

Patuloy na nagbantay si Vince sa mga mangyayari.Hindi siya umalis sa tabing bintana.

Pero wala nang nangyaring kapana-panabik. Hindi niya nakitang lumabas ng bahay si Margie at ang anak na si Brenda.

Hanggang gumabi, wala nang nasundang kapana-panabik na pangyayari si Vince.

Isinara na niya ang bintana. Bukas­, baka mayroong mang­yari na namang ka­pana-panabik. Mag-aabang uli siya. Mala­king katanungan sa kanya kung ano ang nangyari kay Ram at Brenda sa loob ng dalawang oras.

At kalahati na pa­na­natili nito sa loob ng bahay.

Malaking katanu­ngan din kung bakit pumunta si Ram sa bahay gayung wala si Margie. Talaga kayang sinadya niya iyon?

Muling naging malikot ang imahinasyon ni Vince kung ano ang mga nangyari kina Ram at Brenda sa loob ng dalawang oras.

Nagkuwentuhan lang kaya?

Ano kaya ang pinagkuwentuhan?

Maganda, sariwa at mas makinis si Brenda kaysa kay Margie. Posib­leng ma­akit si Ram sa alindog ni Brenda.

Alam kaya ni Brenda na ang kanyang ina at si Ram ay may relasyon?

Napangiti si Ram.

Like mother like daughter.

(Itutuloy)

KAPITBAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with