^

True Confessions

Ang Kapitbahay (97)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Renan­ sa pagkukuwento kay Vince ng mga naging karanasan nito sa Saudi. Hindi naman agad makumbinsi ni Vince ang sarili sa mga ikinuwento ni Renan. Sabi ni Renan, siya pa raw ang na­kakapera sa mga nakakare­lasyon niyang babae. Hindi siya gumagastos. At pinagmalaki pa ni Renan na siya pa ang  bi­nibigyan ng pera ng babae. Karamihan daw sa mga nakakarelasyon niya ay mga biyuda na naghahanap ng “aliw”. Mga babaing “uhaw” at gustong maranasan ang sarap na dulot ng ibang lalaki.

Inamin ni Reynan na mis­tula siyang callboy.

“Mas okey na ang callboy dahil nakakatikim na, kumikita pah, hik” sabi nito

 “Wala kang binabahay na babae?” inulit muli ni Vince ang tinanong kanina.

“Walah. Ba’t akoh magbabahay­. Sakit ng uloh yun, hik.”

Muli naisip ni Vince na mali yata ang nakarating na balita kay Margie, na may binabahay itong babae.

“Kung ikaw ang magsa-Saudi, Vince, marami kang matitikman dun, hik!” At si­nundan ng tawa.

“Puwede ba ako roon?” biro ni Vince.

“Oo naman, hik! Ano ba ang propesyon moh?”

“Nagtapos ako ng com­merce.”

Nag-isip si Reynan.

“Puwedeh ka sa mga establishment dun.”

“Hindi kaya ako mahomsik?”

“Hindih kah mahohomsik dahil mayroong tsik!”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with