^

True Confessions

Ang Kapitbahay (86)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Sosorpresahin ko rin ang asawa ko,’’sabi ni Margie. Seryoso ito.

Napangiti lang si Vince at tiningnan nang makahulugan si Margie.

“Mag-ingat ka Margie.”
“Salamat.”

“Mabuti nang nag-i­ingat—baka matulad sa nabalita.”

“Hindi naman siguro.”
“Kung iwasan mo na si Ram?”

“Hindi na ako makakaiwas, Vince—mahal ko na siya. Baka nga sundin ko na ang sinabi niya sa akin.”

“Sasama ka sa kanya?”

Tumango si Margie.

“Paano ang anak n’yo —si Brenda?”

“Malaki na naman siya.”

“Kahit na. Masakit sa kanya kung magkakahiwalay kayo ng mister mo lalo’t may third party.”

“Hindi naman ako ang nag-umpisa ng lahat.”

Hindi nakaimik si Vince. Hindi na niya alam kung ano ang ipapayo kay Mar­gie. Hindi naman siya gui­dance counselor o may kakayahang magbigay ng payo sa isang naliligaw ng landas na tulad ni Margie.

“Hindi ko na alam ang sasabihin sa iyo, Margie.”

“Salamat na lang sa pa­alala, Vince.”

Napatango na lang si Vince.

 

Makalipas ang isang buwan, nakita ni Vince na may dumating kina Margie dakong alas tres ng hapon. Isang lalaki. Nakasakay sa taxi. Isang maleta lang ibinaba mula sa taxi. Mukhang OFW ang dumating.

Asawa na kaya ni Margie?

Nasa bahay kaya si Margie?

Wala kayang kasamang lalaki si Margie?

(Itutuloy)

ANG KAPITBAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with