^

True Confessions

Ang Kapitbahay (78)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG kaya ng asawa ko na mambabae, kaya ko ring manlalaki,’ sabi ni Margie na walang gatol.

“Kaya mo, Margie?”

“Bakit hindi? Siya lang ba ang maaring gumawa nun?”

Napalunok si Vince. Mukhang totoo ang sinabi ni Margie—hindi banta o nananakot lang—at gina­gawa na nito.

“Akala siguro ng asawa ko, siya lang ang maru­nong pumatol sa iba. Hindi ako martir!” sabi pa ni Margie.

Sandaling nag-isip si Vince. Nitong mga naka­raang araw, napansin niya na laging umaalis ng bahay si Margie. Nakiki­pagkita marahil sa “lalaki” nito. Posible!

Kapag nakapasok na sa unibersidad ang anak na si Brenda ay umaalis si Margie. Nagta-taxi ito. Bu­­mabalik kapag malapit nang umuwi si Brenda. Siguro para hindi mahalata na umalis din siya ng bahay.

Ilang beses na niyang napansin ang pag-alis ni Margie. Sino kaya ang lalaki? Paano kaya sila nagkaroon ng relasyon?

Nasa ganun siyang pag-iisip nang magtanong si Margie. “Parang ang lalim ng iniisip mo Vince?”

“Ah may naalala lang ako Margie.”

“Siguro nagtataka ka sa mga sinabi ko ano? Hindi mo akalain, magagawa ko yun ano.”

“A e oo nga. Tingin ko kasi sa’yo, mapagtiis na babae.”

Natigilan si Margie. Tila may nasaling sa damdamin.

Hanggang sa magtapat na ito.

“Ayaw ko sanang gumanti sa asawa ko. Pinilit kong tiiisin ang ginawa niya pero…”

“Pero ano, Margie?”

“Natangay din ako sa tukso.”

(Itutuloy)

MARGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with