^

True Confessions

Ang Kapitbahay (73)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Masarap ang adobong pusit na binigay ni Margie. Nagustuhan ni Vince. Marunong palang magluto si Margie. Naparami tuloy siya ng kain. Mabuti at bi­nigyan siya ng ulam ni Margie. Hindi na siya nagluto.

Pagkatapos kumain ay nanood ng TV sa salas si Vince. Pero hindi siya makapag-concentrate sa pinanonood dahil ang naglalaro sa imahinasyon niya ay ang dalawang “malala­king papaya” ni Margie na nasilip niya kanina habang pinapalitan ang pundidong bombilya.

Sinadya kaya ni Margie na ipasilip sa kanya ang mga papaya? Bakit wala siyang bra kanina? Sinadya na hindi mag-bra?

Pero sa totoo lang, ma­ganda at nasa ayos pa ang dalawang papaya ni Margie. Hindi pa gaanong napeperwisyo. Nasa Saudi kasi ang asawa kaya hindi gaanong nahihipo.

Pero ano kaya ang balak ni Margie at ipina­silip sa kanya ang mga papaya? May balak si Margie na “ipagalaw” sa kanya ang mga papaya?

Napangiti si Vince.

Kapag ginawa uli iyon ni Margie, baka mapilitan siyang pitasin ang mga papaya. (Itutuloy)

KAPITBAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with