Ang Kapitbahay (67)
Isang umaga, napansin ni Vince na umalis si Margie. Sinundan niya ng tingin hanggang makalabas ng gate. Sexy si Margie sa suot na tight jeans at T-shirt. May tumigil na kotse sa harap nito. Grab marahil. Tila nagmamadali si Margie.
Makalipas ang kalahating oras, may lalaking dumating. Guwapo. Sa tingin ni Vince ay estudyante. Pero hindi naman naka-uniporme ng pang-estudyante. Sabagay, may mga unibersidad na walang uniporme ang lalaki at babaing estudyante.
Maya-maya lumabas ang anak na dalaga ni Margie at nagmamadaling binuksan ang gate. Nakangiti pareho ang dalawa.
Pinapasok ang lalaki. Isinara ng babae ang gate.
Niyaya ng babae ang lalaki sa loob.
Naisip ni Vince na classmate ng babae ang lalaki. Marahil ay sabay silang papasok sa unibersidad.
Pero lumipas pa ang 30 minutes, hindi pa lumalabas ang babae at lalaki.
Hanggang sa maging isang oras.
Baka naman hindi papasok sa unibersidad ang dalawa?
Pero ano kaya ang ginagawa ng dalawa sa loob?
Nagkukuwentuhan?
O baka naman sabay na nag-aaral ng kanilang lesson?
(Itutuloy)
- Latest
















