^

True Confessions

Ang kapit bahay (51)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPANSIN ni Vince na mas maganda ang nanay kaysa anak na babae. Seksi rin ang anak pero mas seksi ang nanay. Ang katawan ng nanay ay siksik na halatang alaga sa exercise—nagsu-sumba siguro o baka regular ang walking sa umaga. Mukhang aktibo ang nanay. Ang anak na may kalakihan din ang mga papaya ay maaring maging chubby kapag nagpabaya sa sarili. Pero parehong maganda ang kanilang mukha—walang maipipintas.

Ang talagang ipinagtataka ni Vince ay bakit walang kasamang lalaki ang mag-ina. Single ­parent kaya ang nanay?

Baka naman biyuda?

Pero napakabata naman para maging biyuda—sa tantiya ni Vince ay lampas kuwarenta lamang ang nanay.

Naisip ni Vince na hindi magtatagal at matutuklasan din niya kung bakit walang kasamang lalaki sa bahay ang mag-ina.

Pagbubutihan niya ang pag-eespiya sa bagong kapitbahay. Hindi siya magsasawa sa pagsubaybay sa mag-ina.

ISANG tanghali, may nakita si Vince na cargo truck sa harap ng kapitbahay.

May mga ibinabang balikbayan boxes.

Nagkaroon ng ­konklusyon si Vince na nasa abroad ang asawa ng babae. Saan kaya sa abroad? Sa Saudi kaya?

Tatlong malalaking ­boxes ang hinakot patungo sa bahay. Mukhang mahahalagang gamit ang laman.

Itutuloy

STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with