Ang kapit bahay (45)
“PINATAWAD naman ako ni Teresa. At alam mo Pare, dahil sa nangyaring pagpapatawad sa akin ni Teresa ng araw na iyon, pakiramdam ko, lumuwag ang dibdib ko.
Ganun pala kapag pinatawad ka ng babaing una mong minahal,” sabi ni John.
“Natutuwa ako sa mga nangyari sa inyo, Pare. Sana ay tuparin mo ang pinangako kay Teresa. Huwag mong sayangin ang ibinigay niyang pagkakataon.”
“Sumusumpa ako Pare na hindi na mauulit ang ginawa kong kamalian.
Tama na ang mga nagawa kong mali na ang nagdusa ay ang akinga asawa at anak.”
“Pinahanga mo ako Pareng John.”
“Alam mo Pareng Vince, napakasarap ng feeling na inihahatid at sinusundo sa eskuwelahan ang anak.”
“Damang-dama mo ang pagiging ama.”
“Oo. Noong isang araw, ako ang dumalo sa meeting ng parents at teachers. Hindi ko maipaliwanag ang nadamang kasiyahan habang kasama ko ang aking anak.”
“Nakikita ko nga ang kaligayahan sa mukha mo, Pareng John.”
“Noong nakaraang linggo, nag-Hong Kong kami. Tuwang-tuwa ang anak ko nang mamamasyal kami sa Disneyland. Sa susunod na buwan,
sa Japan naman kami pupunta.”
“Sige, mag-enjoy kayo. E teka, kailan masusundan ang pag-iinuman natin?”
“Iti-text kita. Dun tayo sa bahay para makilala mo si Teresa.”
“Sige Pareng John.”
Kinamayan nang mahigpit ni Vince si John.
Itutuloy
- Latest


















