Ang Kapitbahay (42)
“NASAAN nga pala si John, Teresa?”
“Nasa school. Siya ang dumalo sa parents-teachers meeting. Mula nang magkabalikan kami, araw-araw siyang naghahatid sa aming anak sa school.”
“Talaga? Nakakahanga naman ang pagbabago niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking biglang-bigla ang pagbabago.”
“Talagang nagbago siya, Vince—malaki ang pagbabago na hanggang ngayon din ay hindi ako makapaniwala.”
“E ano ang balak niya sa bahay na inuupahan niya para sa kanyang “ex”?
“Wala na. Bibitawan na niya yan.”
“Mababakante na pala yan.”
“Oo. Sabi nga niya, tapos na ang mga araw na kanyang sinayang. Marami raw siyang pagkukulang na dapat punan. At paulit-ulit niyang sinabi na hindi na siya magkakamali—tapos na raw ang kanyang mga masasamang gawain.”
“Nakakabilib si John. Sana magkita kami at magkainuman uli.”
“Oo magkita uli kayo. Pero sa bahay na para masaya.”
“Alam na ba niya na magkakilala na tayo?”
“Hindi ko sinasabi. Hayaan mong ipakilala ako sa’yo.”
“Sige. Kunwari ay hindi tayo magkakilala. Gagalingan ko ang pag-arte ha-ha-ha!”
“Oo nga.”
“Pero natutuwa ako sa nangyari, Teresa. Masaya ako at nagkabalikan kayo.”
“Salamat sa iyo, Vince. Hulog ka ng langit.”
(Itutuloy)
- Latest
















