^

True Confessions

Ang kapit bahay (31)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IKINUWENTO ni Vince kay Teresa ang mga nang­yari.

“Niyaya niya akong mag-inuman kami. Marami siyang nainom. Halos hindi makagulapay. Ipinasok ko sa bahay niya. Tulug na tulog.”

“Nasan ang kabit niya?”

“Wala. Nag-iisa siya sa bahay.”

“Sure ka Vince na nag-iisa siya?”

“Oo Teresa.”

“Ayaw ko rin naman kasi ng eskandalo sakali at puntahan ko si John diyan. Kahit na inagrabyado ako at ang anak ko, may natitira pa naman akong kahihiyan.”

“Tama yun, Teresa. Ang mahalaga, makausap mo si John at maipamukha mo ang kanyang tungkulin sa inyong anak.”

“Oo Vince—yun ang purpose ko kaya gusto ko siyang makausap nang masinsinan.”

“Tamang-tama na puntahan mo siya ngayon.”

“Gagawin ko Vince.”

“Paalala ko lang—huwag mong babanggitin ang name ko.”

“Oo, Vince. Hindi kita ipa­pahamak.”

“Salamat Teresa.”

MAKALIPAS lamang ang isang oras, dumating­ na si Teresa. Nakita ni Vince ang pagdating ng babae.

Itutuloy

STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with