^

True Confessions

Ang Kapitbahay (21)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi ko malilimutan­ ang tulong na na­gawa mo Vince. Salamat nang marami,’’ sabi ni Teresa.

“Walang anuman, Teresa.”

“Aalis na ako.”

“Iti-text ko sa iyo ang mga kaganapan dito—lahat nang nangyayari sa bahay na yan.”

“Salamat.”

Umalis na si Teresa.

Nang makaalis si Teresa, pakiramdam ni Vince ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Siguro’y dahil natulungan niya si Teresa. Malaki talaga ang nagagawa sa kalooban kapag may natulungan. Kaya hindi matapus-tapos ang pasasalamat sa kanya ni Teresa.

Hindi niya bibiguin si Teresa at anak nito. Lahat nang makukuha niyang info kay John at sa “babae” nito ay ipi-feed niya kay Teresa.

At sana, makatulong ang gagawin niya para ma­kakuha ng sustento ang anak ni Teresa.

Kawawa naman ang bata. Habang may bina­bahay na babae si John, isang inosenteng bata naman ang nagsa-suffe­r. Dapat ang bata ang maki­nabang.

(Itutuloy)

KAPITBAHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with