Hiyasmin (208)
Habang kumakain sina Hiyasmin at Dax, sinisilbihan sila ni Mama Lira. Marami itong inihandang pagkain.
“Ang dami mong inihanda, ‘Ma. Ikaw lahat ang nagluto?’’
“Oo. Nung mag-text ka sa akin, agad akong namalengke. Bumili ako ng paborito mong alimasag at boneless bangus. Yang pichi-pichi, pinagawa ko yan. Alam kong paborito mo yan.’’
“Paborito rin ni Dax ang pichi-pichi, di ba Dax”
“Oo. Masarap yan.’’
“Alam mo Dax, noon hindi ko maibigay ang mga kailangan ni Hiyasmin kaya gusto kong bumawi ngayon. Gaya ng nasabi ko malaki ang pagkukulang ko kay Hiyasmin.’’
“Baka maiyak na naman ako ‘Ma. Mababaw ang luha ko.’’
“Sige hindi na. Kakahiya kay Dax. Kumain na lang kayo nang kumain.’’
Kumain ang dalawa.
Matapos kumain, sa salas sila nagpatuloy ng pagkukuwentuhan.
Napansin ni Hiyasmin ang luma at maliit na TV.
“Ibibili kita nang malaking TV, ‘Ma.’’
“Talaga? Oo nga luma na ang TV. Malabo na, ha-ha-ha!’’
“Pagpunta naming dito ni Dax, dala ko na ang TV.”
“Sana lagi kayong pumunta rito ni Dax.”
“Oo ‘Ma. Lagi kaming pupunta rito ni Dax.”
“Salamat.’’
“Wala na namang hadlang sa pagpunta namin dito.”
Napangiti si Mama Lira.
(Itutuloy)
- Latest
















