^

True Confessions

Hiyasmin (27)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“LILINISIN ko na po itong room, Sir Dax,’’ sabi ni Hiyasmin. “Pupunasan ko po muna ang floor.’’

“Sige. Teka at kukuha ako ng basahan. Marami akong lumang kamiseta na pampunas.’’

Kinuha ni Dax ang mga lumang kamiseta at nag­la­gay ng tubig sa timba at dinala kay Hiyasmin.

“Eto ang mga basahan. O kung gusto mo ay i-mop mo ang floor?’’

“Eto na lang po para ang mga sulok-sulok ay na­pupunasan ko.’’

“Sige, ikaw ang bahala.’’

Sinimulang punasan ni Hiyasmin ang sahig. Naka­tingin si Dax.

“Siyanga pala, Hiyasmin­, alam ba ng mama mo kung saan ka naroon? I mean alam niya ang address na ito?’’

“Hindi po. Nang umalis kasi ako sa bahay wala naman akong pinagsasabihan na balak kong makitira rito. Isa pa, hindi ko pa rin naman sure na dito talaga ako makakatira kaya wala talagang nakaaalam na narito ako.’’

“Kasi kaya ko tinatanong ay baka maging isyu sa akin na dito ka nakatira. Alam mo na, may mga magulang na ki­na­kasuhan ang mga ku­ma­­­kanlong o umaampon sa anak nila. Mag-iimbento ng kung anu-ano at saka ide­demanda ang nagmagandang loob.’’

“Hindi po Sir Dax. Sabi ko nga po sa’yo, hindi nakikialam ang mama ko sa mga desis­yon ko. Siguro po, naiisip niya, wala siyang nagagawa para sa akin. Ni ipagtanggol nga ako sa manyakis niyang asawa e hindi niya kaya.’’

“So walang magiging prob­lema sa kanya?”

“Wala po.’’

“Pero may kontak ka pa rin sa kanya.’’

“Meron po. Puwede ko naman siyang i-text o tawagan kaya.’’

“Okey, sige. Ikaw na ang bahala sa room mo. Kung mayroon kang kailangan, narito ako sa sala.’’

“Opo Sir Dax.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with