^

True Confessions

Suklam (148)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“TALAGA? Sinabi ng mama mo na hindi siya tutol sa akin na maging boyfriend mo?’’ tanong ni Brent.

“Oo. Boto siya sa’yo.’’

“Gusto kong makausap ang mama mo.’’

“Bakit?’’

“Magpapasalamat ako.”

Napahagikik si Leah.

“Bakit ka pa magpapasalamat?’’ tanong nito pagkaraan.

“Siyempre para matuwa lalo sa akin ang Mama mo.’’

“Kahit hindi na. Alam na niya yun, Brent.’’

“Basta magpapasalamat ako sa kanya.’’

“Sige kung yan ang gusto mo.’’

“Pero bait na bait talaga ako sa mama mo. Marahan siyang magsalita na parang hindi marunong magalit.’’

“Ganun talaga siya Brent. Kaya nga nang magbalik si Papa at naki­kiusap kay Mama, hindi ko inaasahan na masama pala siyang magalit.”

“Nakakahanga ang mama mo, Leah.”

LINGGO. Dinalaw ni Brent si Leah. Tamang-tama nasa salas si Aling Perla, mama ni Leah.

Nakipagkuwentuhan si Aling Perla kay Brent. Sinamantala ni Brent ang pagkakataon at sinabi kay Aling Pera na nobya na niya si Leah.

“Alam ko na Brent,’’ sagot ni Aling Perla.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with