^

True Confessions

Suklam (144)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Anong ibig mong sabihin, Brent?” nagtatakang tanong ni Leah. Nag-uumpisa na silang kumain sa Japanese restaurant.

“Ang kuwento n’yo at kuwento namin ay halos­ magkatulad. Kung ang nag­­kasala sa inyo ay ang papa mo, sa amin naman ay ang nanay ko.’’

“Nanay mo ang nag­taksil?’”

Tumango si Brent.

Naghintay si Leah sa mga ikukuwento ni Brent. Natatandaan ni Leah na bago nagpaalam si Brent noong Linggo na dalawin siya, may mahalaga itong ipagtatapat sa kanya.

“’Yan ba yung sinabi­ mong ipagtatapat sa akin?’’

“Oo.’’

Sa pagitan ng pagkain nila, ikinuwento ni Brent ang mga nangyari. Nakikinig na mabuti si Leah. Hindi siya makapaniwala na pareho ang nangyari sa kanila.

Parang pinagtagpo sila ng kapalaran ni Brent. To­too palang may ganitong­ pangyayari. Ang akala ni Leah, sila lamang ang nakaranas­ ng ganun ka­samang kara­nasan — meron pa palang iba at kabilang ang pamilya ni Brent.

Nang matapos ikuwento ni Brent ang lahat, hindi agad nakapagsalita si Leah. Wala siyang masabi.

“Di ba nagkakapareho, Leah? Ang naranasan at naramdaman mo, naramdaman ko rin. Umiyak ka nun at ako man ay umiyak din. Napakasakit nang nangyari na akala ko, wala nang katapusan. Akala ko, wala nang solusyon ang lahat.’’

Napatangu-tango si Leah. Yun din ang akala niya nang layasan sila ng kanyang papa. (Itutuloy)

BRENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with