^

True Confessions

Suklam (119)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 “Hindi ko namalayan na gabing-gabi na pala!’’ sabi ni Leah.

“Hindi pa naman mas­yadong gabi,’’ sabi naman ni Brent at kinawayan ang tagasilbi para mag-bill out.

“Kasi maaga akong dumarating sa bahay—past five nasa bahay na ako.’’

“Ako rin mga ganung oras ay nasa bahay na ako.’’

“Napasarap kasi ang kuwentuhan natin. Ang dami mo kasing baon na kuwento, ha-ha-ha!’’

“Nalibang ka sa kakenkoyan ko?”

“Oo!’’

“Kasi’y nalaglag ang wallet mo kaya ayan nagkaroon ka ng kakilala na mahilig magkuwento.’’

“Oo nga. Salamat at ikaw nakapulot.’’

“Ilang beses ka nang nagpasalamat tungkol sa wallet.’’

“Magpapasalamat pa ako mamaya bago tayo maghiwalay, ha-ha-ha!’’

Maya-maya lumapit na ang babaing may dala ng bill.

Binayaran ni Brent.

“Tayo na, Leah. Ihatid na kita!’”

“Talagang ihahatid mo ako?’’

“Oo.’’

Lumabas sila sa coffee shop.

Masayang nagkukuwentuhan habang patungo sa parking area.

Nang marating ang kina­paparadahan, maginoog binuksan ni Brent ang pinto ng kotse at pinasakay si Leah.

“Salamat.’’

Saka sumakay si Brent.

“Saan nga pala kita iha­hatid?’’

“Sa Earnshaw, malapit sa Sulucan.’’

Gulat na gulat si Brent.

“E malapit lang kami roon ah!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

LEAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with