Suklam (26)
NAPANSIN ni Brent na pinahid ng kanyang tatay ang luha.
“Huwag ka nang umiyak ‘Tay,’’ sabi ni Brent habang inaalis ang washing machine sa box.
“Medyo naluha lang ako sa tuwa, Brent. Pasensiya ka na. Kapag tumatanda siguro ay talagang ganito.’’
Napangiti lang si Brent. Siguro nga ay naluha sa tuwa ang kanyang tatay. Noon ay nakita na niyang lumuha ang kanyang tatay—kauna-unahan na nakita niyang lumuha ito. Napatiim-bagang si Brent. Ayaw na niyang alalahanin ‘yun kung maari.
“Madali ko kayang mao-operate ‘yan, Brent?’’ tanong ng kanyang tatay na ang tinutukoy ay ang washing machine.
“Oo ‘Tay, mabilis lang ito. Tuturuan kita. Pindot-pindot lang ito na parang cell phone.’’
“Baka magkamali ako ng pindot ay masira.’’
“Hindi ‘Tay.’’
“Sabagay sa umpisa lang naman mahirap ‘yan ano?’’
“Oo ‘Tay. Madali kang matututo sa pag-operate nito.’’
“Bukas uumpisahan ko na ‘yan, Lalabhan ko ang mga kurtina natin. Marumi na. Matagal nang hindi nalalabhan.’’
“Oo nga ‘Tay, nangingitim na sa alikabok ang mga kurtina.’’
“Pati mga kumot natin lalabhan ko rin.’’
“Lahat nang marumi ‘Tay, ha-ha-ha!’’
“Oo nga.’’
“Hindi kaya malakas sa kuryente?’’
“Hindi ‘Tay.’’
“Salamat uli, Brent.’’
“Mayroon pang mga susunod ‘Tay.’’
“Naku baka mapuno na ng appliances itong bahay natin, ha-ha-ha!”
Itutuloy
- Latest