^

True Confessions

Suklam (5)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Sayang ang lahi mo!’’ sabi ni ­Vivian at ngumiti na parang nang-aakit.

“Puro ka biro Vivian.’’

“Diyan ka na nga!” sabi ni Vivian at lumakad na pabalik sa departamento nito.

Si Brent naman ay nagpatuloy rin sa paglalakad.. Palabiro si Vivian. Pero ang biro niya ay may mga laman. Mga birong nanghahamon. Gustong biruin ay mga katulad niyang binata at “walang sabit”. Ang alam niya, si Oscar ay binata. Siguro type talaga ni Vivian na ang makarelasyon ay mga katulad niyang binata. Mas masarap sa kanya ang binata.

Pero sa isip ni Brent ay may iba pang naglalaro—talaga sigurong may “kakatihan” si Vivian. Kung saan abutan ng “kakatihan” ay idaraos. Gaya ng ginagawa ­­­­nila ni Oscar na sa stockroom nagtatalik. Kitang-kita niya ang mga nangyari at narinig ang hingasing ni Vivian.

Muli, nakadama ng awa si Brent sa asawa ni Vivian. Kawawang lalaki!

At pagkasuklam ang na­dama niya sa babaing “makati”. Kailangang maputol ang ginagawa niya sa asawa!

NARATNAN ni Brent na nanonood ng balita sa TV ang kanyang tatay. Nagmano siya rito. Nakaugalian na niya na kapag dumarating ng bahay galing sa trabaho ay nagmamano siya rito.

“Parang maaga ka yata, Brent,’’ sabi ng tatay niya.

“Walang trapik ‘Tay.’’

“Pero sabi dito sa news ay matrapik daw.’’

“Sa EDSA siguro ‘yan ‘Tay. Hindi naman ako dumaraan sa EDSA.’’

“Kakain ka na ba? Ipaghahain na kita,’’ sabi ng tatay niya.

“Ako na lang ‘Tay. Ano bang ulam natin?’’

“Ginisang repolyo at pritong galunggong.’’

“Uy masarap ah. Ako na lang ang kukuha. Manood ka na lang ng TV.’’

Nagpalit ng damit si Brent at saka nagsandok ng kanyang kakainin. Nagpatuloy naman sa panonood ng balita ang kanyang tatay.

(Itutuloy)

vuukle comment

VIVIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with