Dioscora (329)
“CONGRATS sa inyo ni Angel, JC,’’ sabi ni Shappira na tuwang-tuwa nang malaman na ikakasal na sina JC at Angel sa susunod na taon.
“Salamat Shappira.’’
“Napakasuwerte ni Angel at ikaw ang mapapangasawa. Alam mo kung bakit ko nasabi iyon, JC?’’
“Bakit Shappira?’’
“Dahil sa mommy ko. Hindi pipili ang mommy ko nang hindi mabuting tao. Ikaw ang pinili niya dahil alam niya na deserving ka. Mapagkakatiwalaan at siyempre matalino.
“At isa pa, pinili ka rin ni Lolo SP na maging pinuno ng kompanya dahil mapagkakatiwalaan ka. Naiiba ka JC.’’
“Salamat Shappira.’’
“Kaya napakasuwerte ni Angel. Ipaabot mo sa kanya ang aking pagbati.”
“Makararating Shappira.’’
“Gusto ko JC na isama mo si Angel sa foundation ng aking ina. Nararamdaman ko na mayroon siyang malaking maitutulong sa foundation. Magtulong kayo para lalo pang lumawak ang Dioscora Foundation.’’
“Masusunod ang mga sinabi mo. Shappira.’’
“Balak ko nga pala na magpagawa ng mga school sa mga barangay, JC. Posible ba ang naisip ko?’’
“Oo Shappira. Makikipag-ugnayan tayo sa DepEd sa balak mo.’’
“Ilalagak ko na nang todo ang perang namana ko sa pagtulong sa pamamagitan ng Dioscora Foundation.’’
“Masusunod, Shappira.’’
“Salamat JC.’’
Natupad ang pangarap ni Shappira. Nakapagpatayo ang Dioscora Foundation ng mga elementary schools.
“Masaya siguro si Mam sa kinalalagyan niya ngayon, Angel.’’
“Oo JC. Natupad ang pangarap niya.’’
“Sabi ni Shappira, itotodo niya ang pinamana ng kanyang Lolo SP para sa foundation at sa pagpapagawa ng mga school.’’
“Ang laking kayamanan ‘yun, JC.’’
“Oo Angel. Pero sabi ni Shappira, hindi lamang siya ang magiging masaya kundi pati ang mommy niya.’’
“Talagang mahal na mahal ni Shappira ang mommy niya.’’
“Oo, Angel. Sobra-sobra ang pagmamahal niya sa kanyang ina.’’
Tatapusin na bukas
- Latest