^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (37)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Anong suot ni Marianne nang makita mo kanina, Tikoy?’’ tanong ni Drew na halatang interedado sa ikinuwent ni Tikoy.

“Naka-pants na maong at shirt siya, Kuya?’

“Mayroon ba siyang dalang bag?’’

“Meron. Malaking bag na sa tingin ko ay mabigat. Palagay ko, pako na dadalhin niya sa may-aring Intsik.’’

“Tama nga ang hula ko!’’ nasabing bigla ni Drew.

“Anong tama ang hula mo, Kuya?’’

Ikinuwento ni Drew na nagtungo siya sa sapa kanina at nakita niya si Marianne na nananalbos ng pako.

“Tama ang hula ko na pagkagaling niya sa sapa, sa restawran sa bayan ang tungo niya para magdeliber.’’

‘‘Tanghali na siya nang dumating Kuya. Hindi sana ako papasok sa restaurant pero nakaramdam na ako ng gutom kaya pumasok na ako. Tamang-tama naman na pagkatapos kong kumain, dumating siya. Pawisan nga siya. Siguro ay dahil mabigat ang dalang bag.’’

“Mainit nga kanina. ­Matindi ang sikat ng araw.’’

“Pagod na pagod siya sa tingin ko, Kuya.’’

“Palagay ko naglakad lang siya patungo sa bayan habang nasa ulo ang bag na may pako.’’

“At alam mo ang napansin ko Kuya. Parang galing siya sa pag-iyak. Namumugto ang mga mata niya. Sa harap kasi ng mesa ko siya nagdaan kaya napagmasdan ko siya.’’

‘‘’Yan din ang nakita ko kanina, Tikoy. Nagulat nga ako dahil habang itinatali niya ang mga pako, bigla siyang umiyak. Mga isang minuto rin siyang humikbi-hikbi. Pagkatapos, pinahid niya ang luha.’’

“Bakit kaya, Kuya?’’

‘‘’Yan din ang tanong ko Tikoy. Bakit umiyak si Marianne?’’

‘‘Mukhang palalim nang palalim ang sinusubaybayan natin, Kuya.’’

“Oo nga Tikoy.’’

“Hayaan mo at mag-iimbestiga pa ako hanggang malaman natin ang hiwaga ni Marianne.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TIKOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with