^

True Confessions

Monay (82)

Pilipino Star Ngayon

Paglabas ni Joem sa opisina ni Mam Ca­the­rine­, nagtaka siya sapagkat ang mga kaopisina niya ay nakatingin sa kanya. Lahat ay sa kanya nakapako ang mga mata na para bang nag­tatanong. Naitanong ni Joem sa sarili kung ano ang dahilan at nakatingin ang mga ito sa kanya.

Wala naman siyang ma­pagtanungan at saka ano ang iisipin nang mapagta­ta­­nungan niya. Naisip ni Joem, hindi siguro niya dapat bigyang pansin ang napan­sing pagtingin ng mga kaopisina niya. Wala naman siyang ginagawang mali. At saka ang pagtu­ngo niya sa opisina ni Mam ay para magpasalamat dahil naipasok nito ng trabaho ang pinsan niyang si Bong.

Naisip ni Joem, siguro nagtataka na ang mga ka­sa­mahan niya dahil lagi siyang nasa opisina ni Mam. Kasalanan ba niya e sa ipi­na­tatawag siya nito. Noong una, pinatawag siya ni Mam dahil binati siya dahil sa na­­lathala niyang life story sa diyaryo. ‘Yun lang naman ang natatandaan niyang nagtungo sa opis ni Mam at ngayon na nagpasalamat siya. Wala nang ibang pagkakataon na nagtungo siya sa opisina ni Mam Catherine.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Joem nang lumapit si Mark sa kanya.

‘‘Breaktime na Bro. Baka aabsent ka na naman dahil may­roon ka pang tatapusin. Baka magka-ulcer ka! Ikaw din.’’

“Magmemeryenda ako. Wait lang Mark,’’ sabi niya at ini-log­out ang computer.

Nagtungo sila sa canteen.

Habang bumababa sa hagdan patungo sa canteen sa basement, tinanong ni Joem si Mark kung ano sa palagay niya ang dahilan at nakati­ngin ang mga kaopisina sa kanya kanina nang lumabas mula sa opis ni Mam.

Napangiti si Mark bago sumagot.

“Ano pa e di inggit.’’

‘‘Inggit sa akin?’’

Tumango si Mark.

‘‘Bakit sila maiinggit?’’

‘‘Siguro nagtataka sila kung bakit closed ka kay Mam e mas bago ka rito. Baka napapansin na lagi kang ka­usap ni Mam.’’

“Ilang beses pa lang na­min kaming nag-uusap ni Mam.’’

“Kahit na. Sa mga na­iing­git, kahit isang beses lang marami na ‘yun.’’

Nag-isip si Joem. Kaila­ngan bang kainggitan siya.

‘‘Huwag mo nang isipin ‘yun. Kumain na lang tayo. Baka gusto mo akong ilibre, he-he-he!’’

“Oo bah. Siyanga pala naipasok ko na ang pinsan ko. Tama ka, Mark. Nakiusap ako kay Mam at tapos ang problema. Bukas, start na si Bong.’’

“Kitam!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

BONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with