^

True Confessions

Monay (32)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pasado alas diyes ng gabi na nang makauwi si Joem mula sa pagtitinda ng fishball. Ubos lahat ang kanyang fishball. Pati ang sawsawan ay simot na simot. Meron pang humahabol para bumili pero sabi niya’y wala na.

Nang makauwi siya sa bahay, saka siya naka­ram­dam ng pagod at gutom. Ipinainit niya ang kanin at ang natirang ginisang corned beef na may patatas.

Matapos kumain, hinugasan ang pinagkainan at nagpahinga lang sandali at ang pag-aaral naman ng leksiyon ang inatupag. Mayroon silang exam bukas. Kailangang makakuha siya nang mataas para mabawi ang mga nakaligtaan niyang exam dahil sa matagal niyang pagkaka-absent. Ma­buti nga at naawa ang kanyang adviser na makabalik siya para makasama sa mga ga-graduate. Ipinangako naman niya sa adviser na pipilitin niyang makakuha nang mataas na grado para kahit paano ay makahabol. Mabuti na rin lang at pinahiram siya ni Monay ng mga notes nito.

Ala una na siya ng madaling araw natapos magrebyu. Natulog muna siya ng dalawang oras at nang mag-alas kuwarto, bumangon muli siya para mag-aral.

Hindi siya susuko. Ma­kakapagtapos siya ng high school sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga. Kung nagawa ng iba na makapagtapos sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan, ma­gagawa rin niya.

Makakapagtapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo. At kapag nakatapos siya, magkakaroon siya nang magandang trabaho na ma­laki ang suweldo.

Makakaya niya. Magagawa niya ang lahat. Mas masarap ang bunga kapag pinaghirapan itong kunin.

At kapag nagtagumpay siya sa pangarap, unang-una si Monay na kanyang pasasalamatan. Ano kayang magandang ipalit sa kaba­itang ipinakita sa kanya ni Monay?

(Itutuloy)

vuukle comment

PASADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with