^

True Confessions

Monay (11)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi alam ni Joem kung pagkatapos­ ng high school ay makaka­pagpa­tuloy pa siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa sit­was­yon nila na kapos na kapos, imposibleng ma­ka­pagkolehiyo siya. Lalo pa nga at mayroong demonyo sa kanilang bahay na nagda­dala ng malas. Baka hindi na siya makapagkolehiyo kapag hindi natupad ang dalangin niyang mamatay na ito. Kapag nawala ang demonyo sa kanilang bahay baka sakaling matupad ang kanyang pangarap na makatapos ng kolehiyo. Sana mamatay na ang demonyo!

Kung hindi siya maka­katapos ng pag-aaral, pag­sisikapan niyang umunlad ang bahay. Hindi naman lahat nang guminhawa ang buhay ay nakatapos ng pag-aaral. May alam siyang mga school dropout na yumaman at nahigitan pa ang mga may college diploma. Sina Bill Gates, Steve Jobs at Steve Wozniak ay mga college dropout pero mga bilyonaryo.

Sana ganundin ang ma­ging kapalaran niya. Sana maging bilyonaryo rin siya.

Hindi naman masama ang mangarap. Pero naisip ni Joem, sakali man at ma­ging mayaman siya sa kabila na dropout, babalikan niya ang pag-aaral. Mahalaga pa rin sa kanya ang edukasyon. Tatapusin niya ang pag-aaral hanggang sa magka-diploma.

Sa ngayon, ang pinaka­aasam niya ay mawala muna ang demonyo sa kanyang buhay. Mahirap mangarap­ kung nakikita niya ang amaing si Mauro na sinasaktan at pinahihirapan ang kanyang ina. Hindi siya makakapag-isip nang matino kapag nakikita ang ginagawa ng demonyong si Mauro.

ISANG tanghali, nagising siya sa ingay. Sumilip siya sa siwang ng pinto. Sinasaktan na naman ng demonyong si Mauro ang kanyang nanay. Ayaw ibigay ng kanyang nanay ang pera. Nag-aagawan sila sa pera. Lasing na lasing si Mauro.

Nagalit si Mauro at sinuntok ang kanyang ina. Tinamaan sa pisngi ang kanyang ina. Napalugmok ang kanyang ina.

Hindi niya maaaring pabayaan ang kanyang­ ina. Nahagilap ni Joem ang bote ng softdrinks sa likod ng pinto.

Lumabas siya at sinugod ang demonyo. Pinalo niya ito sa ulo.

‘‘Demonyo ka!’’

Isa pang palo ang binigay niya.

Duguan ang ulo ni Mauro. Hindi ito maka­gulapay sa kalasingan.

Hanggang sa matumba.

(Itutuloy)

KOLEHIYO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with