Ang Babae sa Silong (5)
‘‘Bakit parang wala akong naririnig na tao, Manang? Tahimik na tahimik sa silong,’’ sabi ni Dado?
‘‘Ah baka umalis. Baka nasa trabaho.’’
“Panggabi ang trabaho, Manang?’’
“Yata. Hindi ko masyadong inurira. Siyempre bago lang.’’
“Baka sa call center nagwo-work Manang.’’
“Baka nga. Parang dun nga yata nagwo-work.’’
“Mabuti naman at may tao na sa silong. Malungkot din na walang nakatira sa ibaba, Manang.’’
‘‘Oo nga. Mabuti nga at may umupa na agad.’’
“Sige Manang. ‘Yung daing na bangus ha?’’
“Oo sige. Baka gusto mong mag-add ng tapang pusit. Masarap din sa almusal ‘yun.’’
“Next time Manang.’’
“Sige Dado.’’
Isinara na niya ang pinto.
Dahil nasira na ang tulog, ipinasya niyang magluto na lang ng almusal. Mamaya na lang siya matutulo pagkakain.
Niluto niya ang tocino. Nang maluto ang tocino, nagprito siya ng itlog at saka nagsangag ng kanin. Nagtimpla siya ng kape – 3-in-1.
Kumain na siya.
Habang kumakain, naiisip niya ang pag-iisa sa buhay. Maligaya naman siya. Kuntento na siya. Gusto niya ang buhay na walang responsibilidad. ‘Yung walang masyadong kargo sa buhay. ‘Yung malaya sa lahat nang gagawin. Bakit pa siya mag-aasawa? Baka lalong mahirap kapag may asawa. (Itutuloy)
- Latest