^

True Confessions

Alupihan (222)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Matapos kumain ng tanghalian, ang paggawa naman ng sumang malagkit ang hinarap ng nanay ni Hani. Mayroon daw nag-order sa kabilang barangay.

“Halika Kuya at pano­orin mo ang paggawa ng suman ni Nanay. Di ba nun mo pa tinatanong sa akin kung paano gawin ang sumang malagkit?’’

“Oo gusto kong makita.’’
Tinungo nila ang kusina. Nakahanda na ang mga gamit sa paggawa ng suman. Nasa isang malaking lalagyan ang malagkit na bigas na naka­babad sa tinimplahang gata ng niyog. Purung-puro ang malagkit. Nakahanda na rin ang mga palaspas ng niyog at pati na ang mga hibla ng abaka na pantali sa suman.

Pinanood ni Cris ang paglalagay ng malagkit na bigas sa binilot na palaspas. Nang mapuno na ang bilot ay tinalian ng abaka ang buong katawan. Kailangan ay mahigpit ang pagkakatali para hindi pasukin ng tubig.

“Pagkatapos balutin ang mga suman ay ilalagay ang mga ito sa isang paglala­gaang balde at magdamag na pakukuluan. Kailangan ay lagaing mabuti para masigurong maluluto ang malagkit na bigas. Dapat ay malakas ang apoy para hindi mahihilaw ang suman.’’

“Saan po naglalaga ng suman? Saan pong lugar dito sa bahay?’’ tanong ni Cris.

‘‘Dun sa kubo sa likod ng bahay. Mayroon na talagang abuhan dun para paglalaga ng suman.’’

“Babantayan po ba?’’

“Oo. Kasi nakakatihan ng tubig. Kailangang lagyan ng tubig para hindi matuyuan. Kapag natuyuan, masusunog at walang mapapakinabang sa suman.’’

“Ganun po pala.’’

“Kailangang matiyaga sa pagbabantay sa suman.’’

Kinublit ni Hani si Cris.

‘‘Alam mo na Kuya?’’

‘‘Oo. Puwede na akong magluto sa Maynila, ha-ha-ha!’’

“Anong gagawin mo sa suman, ibebenta?’’

“Kakainin lang.’’

Nagtawa si Hani.

“Masarap kaya ang gagawin mo?’’

“Siguro dahil natuto ako kay nanay. Di ba ‘Nay?’’

“Oo. Sige at ibibigay ko sa’yo ang sekreto sa pagluluto ng suman.’’

“Ayos! Ako na ang Su­man King.’’

Nagtawanan sila.

(Itutuloy)

ALUPIHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with