^

True Confessions

Alupihan (214)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Sa buong pagtataka ni Cris ay biglang nagtawa si Hani matapos siyang magsabi rito ng nilalaman ng kanyang damdamin.

“Ba’t ka nagtawa Hani?’’

“’Yun lang ba ang problema mo Kuya kaya ka laging nag-iiisip at nagbubuntunghininga?’’

“Oo. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung paano magtatapat sa’yo.’’

“Hindi naman yun problema Kuya.’’

“Ano ang ibig mong sabihin, Hani.’’

“Ang problema Kuya ay kung hindi ka mahal ng babae. Dun ka dapat mag-isip nang malalim at bumuntunghininga.’’

“Ibig mong sabihin Hani e mahal mo rin ako? Mayroon ka ring damdamin sa akin?’’

Tumango si Hani.

“Talaga Hani?’’ tanong ni Cris at umipod pa para makadikit nang husto kay Hani.

“Kung wala ba akong pagmamahal sa iyo e mananatili ako sa bahay na ito?’’ tanong ni Hani.

“Sabihin mo sa akin Hani na mahal mo ako. Gusto kong marinig sa mga labi mo.’’

“Mahal kita Kuya. Mahal na mahal.’’

Sa­pat iyon para yakapin ni Cris si Hani at halikan ito sa pisngi. Nagpaubaya naman si Hani. Hanggang sa halikan na siya sa labi. Nadama ni Cris ang malambot na labi ni Hani. Nadarang na si Hani at gumanti ng halik. Nakipaglaban na siya. Ngayon pa ba siya hindi lalaban gayung lalaki na ang kanyang kahalikan at hindi babae na gaya ni Gretchen nun. Nasanay na siya sa pakikipaghalikan kaya marunong na siyang gumanti kay Cris.

Ilang segundo rin silang naghalikan ni Cris.

Nang bumitaw sila sa isa’t isa ay kapwa nila hinabol ang hininga.

“Mahal na mahal kita, Hani. Pakakasalan kita.’’

“Paano ang pangako mo sa iyong namayapang asawa na si Maya. Di ba sabi mo wala siyang katulad.’’

‘‘Mayroon nang katulad si Maya, Hani.’’

“Sino?’’

“Ikaw!’’

“Ako? Paanong naging ako?’’

“Nagkakapareho kayo ng asawa ko. Pati sa pagkilos ay iisa kayo.”

‘‘E sa ganda ng muk­ha ?’’

‘‘Maganda ka katulad din ni Maya. Wala kang kasingganda, Hani.’’

Napangiti nang napakatamis si Hani.

Naramdaman niya na talagang mahal niya si Cris. (Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with