^

True Confessions

Ahas sa Garden (225)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NATALO rin sa casino sa Macau sina Sir Nath at Brenda. Pero kahit na umuwing luhaan, gusto pa ring makabawi.

Pagdating sa Pilipinas, sa casino uli humantong ang dalawa. Palibhasa’y ma­raming pera, walang takot si Sir Nath. Ang gusto niya’y makabawi. Mala­kas ang paniwala niya na mababawi lahat ang natalo sa kanya. Naniniwala siya na ang umaayaw ay hindi nananalo. Kaya, hindi siya aayaw. Bakit aayaw e marami naman siyang pera? Ang umaayaw lang ay ang wala nang ipupusta!

“Marami pa ba tayong cash, Babe?’’ tanong ni Sir Nath isang umaga pagkagising.

“Wala na Babe.’’

“Naubos na ang wini­draw natin?’’

“Oo. Wala nang natira.’’
“Ang dami nun ah, ubos na agad.’’

“E sunud-sunod naman ang talo sa atin.’’

“Sige di bale, mababawi naman natin yun. Mag-withdraw ka ngayon at mamaya maaga tayong aalis. Dun naman sa casino sa Dorotheo Jose tayo dadayo.’’

“Ako na lang ang magwi-withdraw Babe?’’

“Oo. Joint account naman tayo. Mag-withdraw ka ng P2-M.’’

“Okey, Babe,” sagot ni Brenda na nakangiti. May naglalaro na naman sa kanyang isip. Mayroon na naman siyang madadagit, ha-ha-ha!

Mabilis na nakapag-withdraw si Brenda at makaraan lamang ang isang oras, paalis na sila patungong casino sa Dorotheo Jose.

Nanalo sila sa bagong casino na dinayo.

Tuwang-tuwa si Sir Nath.

“Suwerte pala tayo rito. Dito na lang tayo lagi, Babe.’’

“Sige.”

Kinabukasan, nag-iba na ang ihip ng hangin. Ang napanalunan nila nang gabi, nasimot din agad.

Gustong makabawi ni Sir Nath, pero talagang minamalas siya ng gabing iyon. Walang natira sa mil­yones nilang dala.

Hindi na mapalagay si Brenda dahil gusto pang bumawi ni Sir Nath.

“Tayo na Babe! Umuwi na tayo!’’

“Isa pa. Baka suwertihin na tayo.’’

“Wala nang pera.’’

“’Yang alahas mo, isangla natin!’’  (Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with