^

True Confessions

Ang Magkapatid (148)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“TUNGKOL po saan, Manang?’’ tanong ni Ada na may pag-aalala sa boses. Sa tingin niya ay may problema si Manang Caridad.

‘‘Wala kasi akong ma­pagsasabihan nito kundi kayo. Kaya nga bigla akong natuwa nang dumating kayo.’’

“Sige po Manang, ano ang sasabihin mo?’’

“Tungkol kay Nesto.’’

Nagulat ang magkapatid. Bakit napunta kay Manong Nesto ang usapan?

“Ano po ang tungkol kay Manong Nesto?’’

Napatungo si Manang Caridad na para bang nahihiyang ipagpatuloy ang sa­­sabihin.

“Sige po Manang huwag kang mahiya. Handa na­ming pakinggan ni Kuya Ipe ang sasabihin mo.’’

“Oo nga Manang, sige na po,’’ sabi naman ni Ipe para mapanatag ang kalooban ni Manang Caridad.

Hanggang magtapat na ito.

‘‘May relasyon kami ni Nesto at alam ko, magugulat kayo dahil kung kailan pa kami tumanda saka nangyari ito. Pero hindi n’yo alam, noon pa mang magkasama kaming nagsisilbi sa pamilya ni Enyora at Philip, magka­sintahan na kami. Siya ang una kong nobyo pero --- mga beinte anyos ako nun at siya naman ay beinte dos. Siya ang driver-alalay ni Philip at ako naman ay nakatoka sa pagluluto at paglilinis nang malaking bahay sa Dapitan at Mayon. Nagkaibigan talaga kami. Lihim ang pag-iibigan namin dahil ayaw ni Enyora na ang mga magkakasama sa bahay ay nagkakaroon ng relasyon. Para sa kanya, hindi maganda. Kaya lihim ang a­ming pag-ii­bi­gan.

“Sabi ni Nesto sa akin noon, kapag daw nakaipon kami, aalis kami kina Enyora at magtatayo ng sarili. Wala raw ka­ming aasahan kung patuloy na maninilbihan kina Enyora na pati sariling buhay ay pinakikialaman. Basta kapag nakaipon ay aalis kami. Sabi ko naman sa kanya, malaki ang utang na loob ko kay Enyora kaya mahirap para sa akin ang umalis. Pero sabi niya, kailangang magpasya ako sapagkat ang na­kataya ay ang aming pagmamahalan.

“Hanggang sa may mang­yari. Wala akong ka­alam-alam na ang isa na­ming ka­samahang lalaki sa bahay – si Lauro – na uma­­aktong electrician at hardinero ay malaki rin ang pagkakagusto sa akin. Wala akong kamalay-malay na may masama pala siyang binabalak sa akin. Nang magtungo sa Baguio sina Enyora at pamilya nito kasama si Philip, at pati si Nesto na driver, pinagsamantalahan ako ni Lauro. Pinasok ako sa kuwarto…’’                              

(Itutuloy)

ADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with