^

True Confessions

Ang Magkapatid (94)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAAYOS naman ang bahay ng matanda kahit maliit. May silyang bakal. May mesang bilog sa di-kalayuan na nagsisilbing kainan. May maliit na kitchen at lababo.

“Maupo ka Ada. Lalo kang gumanda. Pero mas maganda ka kapag nakaputing uniporme.’’

“Salamat po Lola.’’

“Bagay na bagay talaga sa iyo ang maging nurse.’’

“Mag-e-exam na ako next week Lola. Kaya nga po ako nagtungo rito. Pangako ko sa’yo, isang linggo bago ang exam, pupunta ako rito.’’

“Oo nga, naaalala ko.’’

“Sana po makapasa ako. Lagi po akong nagsisimba at nananalangin na makapasa.’’

“Hindi ka lang basta makakapasa, makakasama ka sa top ten.’’

“Sana po ay totoo ang sinabi mo Lola. Magiging masaya po ako  kapag nang­yari iyon.’’

“Wala pang sumala sa mga sinabi ko. Makakasama ka sa top ten.’’

“Psyhic ka ba Lola?’’

“Hindi naman pero sa unang­ tingin ko pa lang sa’yo, malayo ang mararating mo. Nakita ko kung paano mo ako inalagaan sa ospital. Ikaw lamang ang nagtiyaga sa akin. Talagang kakaiba ka Ada.’’

“Salamat po uli Lola. Hayaan mo at kapag nagkatotoo ang sinabi mo e dadalawin uli kita rito at dadalhan ng paborito mong pagkain. Ano ba ang pabo­rito mong pagkain, Lola?’’

“Kahit ano?’’

“Kahit lechon, Lola?’’

“Puwede, he-he-he. Ma­­galing na naman ako. At saka noong una, talagang paborito ko ang lechon.’’

“Sige kapag pumasa ako, dadalhan kita ng boneless lechon.’’

“Talaga, Ada? Ang bait mo talaga! Sana nga ay apo kita.’’

“Baka nga apo mo ako. Magkamukha tayo, di ba ha?’’

“Oo magkamukha tayo. Noong kabataan ko, magkahawig nga tayo. Marami akong lumang picture nun at nang makita ko ang sarili noong edad beinte, magkamukha nga tayo.’’

“Puwedeng makita Lola?’’

“Sige, sandali lang at kukunin ko.’’

Tumayo ang matanda at tinungo ang plastic na aparador. May kinuhang brown envelope na may ta­ling pula. Dinala kay Ada.

Binuksan ang envelope at kinuha ang picture. Kulay brown ang photo. Sinaunang kuha. Dekada 50. Ipinakita kay Ada. Nagulat si Ada. Magkamukha nga sila. Ilang ulit niyang tinitigan.

“Magkahawig tayo ano?’’

“Opo.’’

Isinauli niya ang litrato.

“Sino ang kasama mo rito sa bahay, Lola?’’

“Katulong ko.’’

(Itutuloy)

ADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with