^

True Confessions

Black Widow (107)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PUWEDE kayang isama sa Baguio si Jose?’’ tanong ni Jam kay Marie.

‘‘Bakit hindi mo siya tanungin?’’

“Hindi ko matiyempuhan e. Nagkita ba kayo sa school?’’

“Oo. Kaninang umaga. Inihatid niya si Iya.’’

‘‘Bakit kaya wala siya kanina nang puntahan ko sa department niya?’’

Nag-iisip si Marie. Mukhang problemado si Jam tungkol kay Jose. Ano na naman itong nangyayari sa kaibigan niya?

‘‘Baka may pinuntahan lang siya? Tinanong mo ba ang mga tauhan niya?’’

“Hindi.’’

“Sana tinanong mo?’’

‘‘Di bale bukas ko na lang uli pupuntahan. Sa palagay mo papayag siyang samahan ako sa Bguio?’’

“Hindi kita masasa­got. Mabuti pa siya na lang ang kausapin mo.’’

‘‘Mabait naman si Jose ano?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Hindi ko kasi kabisado sa Baguio. Hindi pa ako nakakarating dun.’’

“Ikaw lang ba ang representative ng kompanya?’’

“Oo. Ako lang.’’

“E di sana sinabi mo na hindi ka pa nakakarating dun para iba na lang ang ipadala.’’

“Nagpa-confirm na ako e. Kasi nga gusto ko rin makarating dun.’’

“E di mag-isa ka na lang. Madali lang naman siguro.’’

‘‘Baka puwede si Jose kaya ita-try ko.’’

‘‘Sige try mo.’’

‘‘Sabihin ko kay Jose, dalhin ang car niya.’’

Napamaang si Marie. Hindi na nagkomento.

NANG magkita sila ni Jose sa waiting area ng school, kinumusta niya ito kung nagkausap sila ni Jam ukol sa pagtungo sa Baguio.

‘‘Isasama ka raw ni Jam sa Baguio. Nagkausap na ba kayo?’’

“Oo. Pero tumanggi ako.’’

Nakahinga nang maluwag si Marie.

(Itutuloy)

ACIRC

ANO

BAKIT

BGUIO

HINDI

IKAW

INIHATID

ISASAMA

ITUTULOY

LANG

OO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with