Black Widow (105)
INIISIP pa rin ni Marie ang tungkol sa iniluluhog ni Jose at hindi siya dalawin ng antok. Nahihiya siya sa sarili sapagkat kung kailan nagkaedad ay saka naging problemado. Para siyang tinedyer na nagsisimulang umibig. Dapat bang maging ganito siya? O mas maganda na huwag na nga niyang tanggapin ang ipinipilit ni Jose. Manindigan siya sa naunang pasya na huwag nang mag-aasawa. Tama na ang tatlong lalaki sa kanyang buhay. Huwag nang dagdagan pa ang mamamatay!
O hingin pa rin niya ang payo ng kaibi-gang si Jam sa kabila na sinabihan na siya nito na huwag na ngang umibig sapagkat maaa-ring mamatay muli ang pakakasalang lalaki.
Ano kaya ang sa-sabihin ng kanyang kaibigan?
LINGGO. Sorpresang nagtungo si Marie sa bahay ni Jam. Dati kapag dadalawin niya ito ay iti-text muna niya. Pero ngayon, surprise visit. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng kaibigan?
Pero si Marie ang nasorpresa sapagkat wala si Jam sa bahay nito. Sarado. Nasaan kaya?
Walang nagawa si Marie kundi tawagan na si Jam.
“Hello Jam? Nasan ka?’’
“Narito sa opis. OT ako.’’
Tameme si Marie. Kaya pala wala.
“Sosorpresahin pa naman sana kita kaya ako nagtungo sa bahay mo.’’
“Ikaw ang nasorpresa ko, ha-ha-ha!’’
“Lagi ka bang OT?’’
“Pangalawang Linggo na ito.’’
“Ang sipag mo ah!’’
“Masaya kasing mag-OT dito.’’
“Talaga?’’
“Oo. Si Jose nga andito!’’
Hindi agad nakapagsalita si Marie.
“Nag-o-OT din si Jose.’’
“Oo. Andito nga e.’’
“Ang sipag n’yo ah!”
“Bakit mo ba ako sosorpresahin Bruha? May sasabihin ka ba?’’
“Ha? A wala! Dalawin lang kita.’’
“A okey. E di sa Linggo sorpresahin mo uli ako.’’
“Loka. Paano magi-ging sorpresa e alam mo na.’’
“Oo nga ano?’’
Nang maya-maya ay biglang magpaalam si Jam.
“Tatawagan kita mamaya, Marie. May sasabihin daw sa akin si Jose. Bye! (Itutuloy)
- Latest