^

True Confessions

Black Widow (100)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PARANG takot na takot ka kapag napag-uusapan natin ang pag-aasawa, Jam,” sabi ni Marie. “Hindi na naman talaga ako mag-aasawa.’’

“Parang sure na sure ka na.’’

“Talaga naman. Isa pa ayaw na ni Pau na pag-asawahin ako. Nagagalit siya kapag iyon ang topic ng pag-uusap namin. Biniro ko kasi minsan, sabi ko mag-aasawa uli ako. Nagalit sa akin. Matagal bago lumabas ng kuwarto niya. Inamu-amo ko. Sabi ko joke lang yun. Saka lamang tumigil sa pagmamaktol.

‘‘Talagang hindi ka na mag-aasawa? Baka naman ngayon lang ’yan.’’

“Hindi na talaga, Jam.’’

“E paano si Jose?’’

‘‘Anong ibig mong sabihin?’’

‘‘Paano nga kung bigla kang mahulog kay Jose?’’

Nagtawa si Marie.

“Bakit ako mahuhulog kay Jose?’’

“Araw-araw kayong nagkikita at nag-uusap di ba?’’

“Ano namang masama roon?’’

“Maaaring mahulog ka kay Jose. Mamahalin mo siya at magkakaibigan kayo.’’

“Paano mangyayari ‘’yun e hindi naman nanliligaw yung tao. Wala siyang sinasabi. Basta kuwentuhan lang kami nang kuwentuhan. Ganun lang!’’

“Talagang hindi nanliligaw sa’yo si Jose?’’

“Hindi. Magkaibigan lang talaga kami.’’

“Paano kung manligaw? Naghihintay lang pala ng pagkakataon.’’

“Hindi na talaga ako mag-aasawa. Tatapatin ko siya.’’

Nag-isip si Jam. May nabanaag na tuwa sa ekspres­yon ng mukha. Parang nasiyahan sa sagot ni Marie.

‘‘Ako nga ang natatakot kapag mag-aasawa ka Marie. Kasi’y parang nasa hukay ang paa ng lalaki kapag naging asawa mo.’’

‘‘Isa rin yun sa dahilan kaya hindi na ako mag-aasawa.’’

Lalo nang bumakas sa mukha ni Jam ang kasiyahan.

NAG-ORGANISA ng outing si Jose. Ang orihinal na plano ay sila lamang nina Marie at dalawang bata. Sa isang white beach sa Pinamalayan, Mindoro ang tungo nila. Kilala ni Jose ang may-ari ng beach at inimbitahan siya.

“Isama natin si Jam, kawawa naman.’’

‘‘Di ba mas masaya kung tayo lang?’’

‘‘Baka kasi magtampo kapag hindi natin niyaya.’’

“Sige. Isama natin. Mga three days tayo sa Pina­malayan.’’

‘‘Malayo ba yun?’’

“Mga six to seven hours. Punta muna tayo sa Batangas pier ang then, magbabarko tayo – roro. Pati kotse isasakay sa roro.’’

“Ah okey! Hindi pa ako nakakasakay sa barko.’’

“Tamang-tama. Pagdating natin sa Pinamalayan, mag-eenjoy ka at dalawang bata sa Recodo white beach.’’

NASA Pinamalayan na sila. Napakaganda ng Recodo beach resort. Pu­timputi ang nakalatag na buhangin.

Ipinakita ni Jam ang alindog. Nag-two piece siya. Maganda ang katawan ni Jam. Makurbada kahit may anak na. Si Marie ay naka-shorts lang.

“Picture! Picture!” sabi ni Jose.

Kinunan niya sina Jam at Marie.

(Itutuloy)

AASAWA

ACIRC

AKO

ANG

HINDI

ISA

JAM

JOSE

LANG

PAANO

PINAMALAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with