^

True Confessions

Black Widow (44)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAMA! Tara na!’’ Sabi ni Pau.

Nagulat si Marie sa  pag­tapik at pagtawag ng anak. Hinahabol kasi niya ng tingin ang lalaki at ang anak nitong babae.

“Ha? A oo tayo na!’’

Lumakad sila. Nakahawak sa kamay ni Marie ang anak. Pero kahit nang naglalakad na, nakatingin pa rin si Marie sa mag-ama na ilang metro ang layo sa kanila. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagkausap na sila ng lalaki. Mabait naman pala. Hinayaan niyang ito ang magsalita nang magsalita. Kung hindi siguro dumating ang anak ay baka ma­­rami pa itong nasabi. Sayang!

‘‘Tinitingnan mo sina Iya at papa niya, Mama?’’ Tanong ni Pau na ikinagulat na naman ni Marie.

‘‘Ha? Hindi! Hindi ko sila tinitingnan,’’ sabi niya at ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon.

“Si Iya raw ang Top 1 ng Grade 4 class.’’

“Ah ganun ba? Matalino kung ganun.’’

“Matalino naman talaga siya Mama.’’

“Halos magkasing-edad siguro kayo ano?’’

‘‘Opo.’’

“Mabait ba siya?’’

“Hindi ko alam. Kasi nga e ibang section. Pero may mga kaibigan siya sa klase namin kaya nagpupunta sa aming room.’’

“Anong name niya?’’

“Iya.’’

“Anong apelyido?’’

“Hindi ko alam. Ba’t mo itinatanong?’’

“Wala lang.’’

“Bukas, sunduin mo uli ako Mama.’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Mayroon akong dalang libro. Mabigat.’’

“Sure, sweetheart. Baka mag-vacation leave ako bukas at sunod na araw.’’

“Bakit ka magli-leave?’’

‘‘Para lagi kitang masundo.’’

“Sige Mama lagi mo akong sunduin.’’

“Bukas paglabas mo punta tayong SM. Ibibili kita ng sapatos. Tapos kumain tayo.’’

Tuwang-tuwa ni Pau.

Pero mas natutuwa si Marie dahil tiyak na makikita muli niya ang ama ni Iya. Susundo rin ito sa anak.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANONG

BAKIT

BUKAS

IYA

MABAIT

MATALINO

PERO

SI IYA

SIGE MAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with