Sinsilyo (192)
GALIT si Kastilaloy kay Lyka. Siguradong isinumbong siya nito kay Mau kaya ganun na lamang ang pagtatanong tungkol sa mga baryang nasa punda ng unan. Paano nalaman ni Mau na may mga bar-yang nakatago sa ilalim ng kama niya? Parang alam na alam na ni Mau na may mga barya.
Hindi naman ganoon si Mau. Dati ay wala itong pakialam sa mga barya. Kahit na kakalat-kalat ang mga barya ay balewala sa kanya. Pero ngayon, na-ging mailap ang mga mata at nakikita maski ang nasa ilalim ng kama!
Maaaring ginawa ni Lyka ang pagsusumbong para makaiwas sa hinihiling niya rito. Ayaw nang tumupad sa usapan nila si Lyka na pahihipuin niya. Nagbago ang isip ng malanding babae. Dati ay payag na payag at ipinakita na ang mga boobski pero ngayo’y ayaw ipahipo.
Pero nagkamali si Lyka sa hindi pagtupad sa usapan. Hindi siya dapat sumira. Malaking pagkakamali ang hakbang niya. Hanggang sa mapangiti nang mapakla si Kastilaloy. Malilintikan si Lyka sa kanya. May araw ka rin Lyka!
Dahil sa ginawa ni Lyka, maaaring mabuking siya ni Mau na ang mga laman ng punda ay bato at hindi mga barya. Mapipilitan siyang maghagilap ng mga barya para magkatotoong mayroon siyang apat na sakong barya. Paano niya iipunin ang ganoon karami? Kahit pa latiguhin niya ang mga matatanda sa pagpapalimos ay hindi makakaipon ng apat na sako! Buwisit na buhay ito! Kung bakit kasi naipakita agad niya kay Lyka na mayroon siyang apat na sako. Dapat hindi muna siya nagyabang. Nalibugan agad kasi siya kay Lyka. At saka alam kasi niyang madaling masilaw si Lyka sa pera.
Nag-isip pa ng paraan si Kastilaloy. Dalawang paraan lamang ang maaari niyang gawin para malutas ang problema: una, isumbong na rin niya si Lyka ukol sa ginawa nito kay Gaude at ang pagnakaw sa mga barya at pangalawa, pakiusapan niya si Lyka na huwag siyang madaliin sa pagbibilang ng mga barya.
Ang ikalawa ang naisip niyang paraan. Pakikiusapan niya si Lyka na huwag madaliin sa pagbibilang.
Pero problema niya kung paano masosolo si Lyka. Lagi itong nakakabit kay Mau. Hindi niya alam kung kailan aalis si Mau. Kailangang makausap niya ito nang masinsinan. Pakikiusapan niya ito.
Lagi niyang inaaba-ngan kung kailan aalis si Mau. Pero parang tinitikis siya ng panahon, walang ba-lak umalis si Mau. (Itutuloy)
- Latest