^

True Confessions

Sinsilyo (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NATIGILAN si Gaude. Ano itong naisipan ni Lyka at gustong silipin ang kuwarto niya? Bakit biglang naisipan nito? Kung alin ang pinagbabawal ni Tito Mau, iyon ang gustong gawin.

“Sige na, Gaude. Silip lang,’’ sabi uli ni Lyka na nakahawak na sa pinto.

“E hindi po puwe­de, Tita Lyka,” sabi ni Gaude sa marahang pagsasalita para hindi siya maging bastos kay Lyka.

“Bakit naman, Gaude? Para sisilipin lang. Wala kasi akong magawa.’’

“Hindi po talaga puwede, Tita Lyka. Pasensiya ka na po’’

“Bakit nga?’’

“Basta po hindi puwede, Tita. Pasensiya na po talaga.’’

Pero hindi basta-basta sumusuko si Lyka. Mas natsa-cha-llenge siya sa ganoong siywasyon. Kung ano ang pinagbabawal, iyon ang gagawin niya.

Nang makakita ng tiyempo na lumuwag ang pagkakahawak ni Gaude sa seradura ng pinto, bigla niyang itinulak at bumukas ang pinto. Nakapasok siya sa loob. Nabigla si Gaude sa lakas ni Lyka. Pambihirang babae ito na marahas ang kilos.

“O ngayong nasa loob na ako, bawal pa?”

Kakamot-kamot sa batok si Gaude. Ano pa ang magagawa niya ngayon na nasa loob na si Lyka. Hindi niya ito maitataboy palabas. Baka lalong magkaproblema.

Nang igala ni Lyka ang paningin sa kuwarto, gulat na gulat ito nang makita ang bunton ng mga barya. Parang buhangin na nakabunton. Halos lumuwa ang mga mata. Halatang noon lang nakakita nang mara-ming barya.

“Ang daming bar­ya!”

Hindi naman ma­kapagsalita si Gau-de. Tulala pa rin sa nangyari.

“Iyan ba ang dahilan kaya ayaw mo akong papasukin, Gaude?’’

Hindi na makapagkaila si Gaude.

“Opo.’’

Napatangu-tango si Lyka. Pero nangi-ngislap ang mga mata sa pagkakatingin sa bunton ng barya.

(Itutuloy)

 

ANO

BAKIT

GAUDE

LYKA

NANG

PASENSIYA

PERO

TITA LYKA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with