^

True Confessions

Sinsilyo (79)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SUNDIN mo ang sinabi ko, Gaude. Para sa iyo rin iyon kaya ko ipinayo sa’yo. Huwag kang makonsensiya. Kung gusto mo, doon ka kumuha sa lata no. 3. Ako naman ang nagpakahirap para mapuno ng barya ang latang iyon,’’ sabi ni Lolo Kandoy at tinapik pa ito sa balikat.

Tumango si Gaude. Pero sa isip niya, hindi niya alam kung susundin o hindi si Lolo Kandoy. Bahala na. Pag-iisipan niya muna.

NASABIHAN na ni Tito Mau si Lolo Dune Kastilaloy na ang mga latang may barya na galing sa matatandang nagpalimos ay idederetso na sa kuwarto ni Gaude. Si Gaude na ang tatanggap ng mga iyon.

Unang pag-reremit ni Lolo Dune sa mga lata ay naramdaman kaagad ni Gaude ang bagsik ng dila ng Kastilaloy. Pero nagpakahinahon pa rin siya. Dapat magpasensiya siya sa matanda.

“Bakit ikaw ang nagbibilang ng mga barya?” tanong ni Kastilaloy. Nasa paanan nito ang dalawang lata na may barya.

“Si Tito Mau po ang nagsabi.’’

“Kailan pa?”

“Matagal na rin po.’’

“Bakit hindi sinabi sa akin ni Mau?”

Hindi sumagot si Gaude. Ano naman ang isasagot niya sa tanong na iyon. Wala naman siyang kontrol kay Tito Mau. Kung ano ang sabihin nito, iyon ang masusunod.

“Bakit?”

Umiling si Gaude.

“Tonto!”

Walang kaimik-imik si Gaude. Nagpakahinahon siya. Hindi siya lalaban sa matanda.

“Dapat sinabi muna sa akin ni Mau na ikaw pala ang magbibilang ng mga barya. Wala akong tiwala sa’yo…’’

Nagpakahinahon si Gaude. Timpi lang siya.

“Hindi ko akalain na ikaw pala ang magbibilang, tsk-tsk!’’

Talagang matalas ang dila ng matanda. Ang buong akala, siya ang pagkakatiwalaan ni Tito Mau. Ngayong nalaman na si Gaude na ang pinagkakatiwalaan sa mga barya, parang naiinggit na sa kanya. Pero kahit na ano pa ang sabihin sa kanya ni Kastilaloy, cool lang siya. Hindi siya magpapaapekto. Siya rin ang talo kapag pinatulan niya si Kastilaloy. Pananatilihin niya ang pagkamahinahon.

“Narito na ang dalawang lata na puno ng barya. Sabi ni Mau, ibigay ko sa’yo…”

Tumango si Gaude.

Pero may pahabol pa pala ang Kastilaloy. Sabi sa kanya, “Huwag kang kukupit diyan! Isusumbong kita kay Mau. Kabisado ko kung magkano ‘yan!”

Parang nag-iinit na ang punong taynga ni Mau sa sinabi ni Kastilaloy.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

BARYA

GAUDE

KASTILALOY

LOLO KANDOY

MAU

PERO

SIYA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with