^

True Confessions

Sinsilyo (7)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANG sumigaw ay isang matandang lalaki. Ito ang matanda na nakita niyang nakikipagkuwentuhan sa isa ring matanda nung dumating sila.

“Huwag mong pakialaman ‘yan!” sabi nito at lumapit kay Gaude.

“Bakit po Lolo?”

“Basta huwag mong pakialaman. Pakialamero!” sabi at pahablot na inagaw sa kanya ang sako na may lamang mga basyong lata at plastic.

Walang nagawa si Gaude kundi ibigay ang sako. Mahirap nang ma­ki­pagtalo sa matanda. Mukhang istrikto ang ma­tanda. Baka kung ano ang gawin sa kanya.

Binitbit ng matanda ang sako at lumabas sa may kitchen. Nagtungio sa tirahan nila sa likod. Naiwan si Gaude na nagtataka. Ano kayang gagawin ng matanda sa mga basurang lata? Baka iniipon at ibebenta?

Hinarap na lamang ni Gaude ang pagwawalis sa pinagkunan ng mga lata. Pinagbahayan na ng ipis ang mga lata. Maraming itlog­ ng ipis ang nawalis niya. May napatay siyang mga ipis. Palagay niya matagal nang nakatambak ang mga lata sa sulok.

Dinadakot niya ang mga basura nang isang matanda ang lumapit sa kanya. Ga­ling sa may pintuan sa likod ang matanda.

“Kakain na ako Totoy, luto na baga kanin?” tanong nito na nakatawa. Hawak nito ang isang malaking pinggan. Puting-puti ang buhok nito. Malago ang pu­ting kilay. Brown ang mata.

“Opo, Lolo. Akina po ang pinggan mo at sasandukan ko ng kanin.’’

Iniabot ng matanda ang pinggan. Sinandukan ni Gaude ng kanin. Dalawang cup.

“Gusto ko yung may tutong,” sabi.

Sinandukan uli ni Gaude ng kanin. Kumuha sa ilalim at nakuha ang tutong.

“Saan ko po ilalagay ang gulay Lolo?”

“Ilagay mo sa ibabaw ng kanin. Pati sabaw. Damihan mo ang sabaw.’’

Sumandok ng ginisang repolyo at Baguio beans at inilagay sa ibabaw ng kanin.

“Dadalhin ko po sa tirahan mo Lolo.’’

“Huwag na ako na.’’

“Mainit po.’’

“Kaya ko yan. Sanay ako sa init.’’

Ibinigay niya ang pinggan.

“Salamat, Totoy.’’

“Ano po ang pangalan mo Lolo?”

“Kandoy.’’

“Ako po si Gaude.’’

Tumango si Lolo Kandoy at tinungo ang pintuan para lumabas. Parang hindi nga ito nainitan sa hawak na pinggan na may lamang kanin at gulay.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

GAUDE

HUWAG

KANIN

LOLO

LOLO KANDOY

MATANDA

SINANDUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with