Halimuyak ni Aya (463)
“ANONG sinabi ni AbÂdullah sa naging maid nilang Pinay?†tanong ni Imelda na excited na excited.
“Hindi raw niya maÂlilimutan ang Pinay maid. Hinding-hindi sa buong buhay niya. At napailing-iling si Abdullah…’’
“Talaga? Ano pa, Numer? Ano pa ang sinabi ni Abdullah?â€
“Magsasalita pa sana pero biglang may tumawag sa kanyang phone. Kinausap niya. Matagal na nag-usap na hindi ko naman maintindihan. Di ba’t mabilis magsalita ang mga Saudi. Hanggang sa makarating kami sa Batha ay may kausap pa rin si Abdullah. Huminto lamang si Abdullah sa pagsasalita nang malaman na bababa na ako. Itinabi ng drayber ni Abdullah ang kotse. NagpaÂsalamat ako kay Abdullah. Shokran, sabi ko. Bumaba na ako. Pagkatapos ay umandar na ang kotse. Hinayang na hinayang ako makaraan iyon. Akala ko sasabihin na ni Abdullah na nabuntis niya ang Pinay maid. Naputol nga nang may tumawag. Sayang talaga, Imelda…’’
“Na-excite nga ako. Akala ko, iyon na ang sasabihin.’’
“Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, Imelda. Tiyak na magkakausap pa kami ni Abdullah.’’
“Sana nga, Numer.’’
“At alam mo, natutuwa ako sa mga nangyayari. Kasi’y sa halip na ako ang magtanong o mag-usisa, si Abdullah pa ang nagkukuwento tungkol sa naging maid nilang Pinay.’’
“Oo nga, Numer. Hindi ka na mahihirapan. Sana magkita kayo at ituloy niya ang kuwento.’’
“Hayaan mo at lagi akong magdadaan sa office niya. Kapag nakita niya ako, baka tawagin ako at maki-pagkuwentuhan.’’
“Sana nga, Numer.’’
“Siya nga pala ImelÂda bago ko malimutan, i-send mo naman picture mo sa akin. Gusto ko makita itsura mo.’’
“Sige, pero i-send mo rin ang sa’yo…â€
(Itutuloy)
- Latest