^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (411)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“TITA, pakiramdam ko, nabuhay muli si Mama sa katauhan mo.

Wala kayong ipinag-kaiba ni Mama. Pareho kayong mabait at mahina­hong magsalita,’’ sabi ni Aya at mahigpit uling niyakap si Doktora Sophia.

“Kaya pala magaan ang loob ko sa’yo ay dahil anak ka ni Paolo. Sana noon mo pa sinabi sa akin, Aya.’’

“Natatakot po ako na magalit ka. Maski po si Sam ay pinayuhan din ako na huwag muna na-ming ipaalam sa’yo.’’

“Hindi naman ako ma­gagalit. Ano ang dahilan para ako magalit?”

“Kasi po’y nakagawa ng kasalanan si Papa sa iyo. Bilang anak, nahihiya ako sa ginawa ni Papa.’’

“Hindi mo naman ka­salanan iyon. At saka hindi ako marunong magalit.”

“Napakabuti mo Tita.”

“Ngayong nakilala na kita, gusto ko dito ka na tumira sa akin. Alam kong mayroon kang tirahan pero pagbigyan mo ako na dito ka tumira. Puwede ba Aya?”

“Opo, Tita. Gusto kong dito ka tumira.”

“Salamat, Aya. Alam ko, hindi naman tututol si    Sam. Hindi ba Sam?”

“Opo Tita.”

“Kapag hindi ka puma-yag, hindi ko ipakakasal si Aya sa’yo. Dapat mong malaman na parang anak ko na ito.’’

“Hindi po ako tututol na dito siya tumira.”

“Salamat naman, Sam.’’

“E Tita, baka gusto mong dito na rin ako patirahin.”

Nagtawa sina Aya at Doktora.

“Hindi puwede! Pagkatapos ng inyong kasal saka ka pa lang makakatira rito.’’

“Sige po, Tita.’’

Pagkaraan ay nagpa­handa ng pagkain si Dok­­tora. Gusto raw niyang magselebreyt sila sa  pang­­yayaring iyon.

Habang kumakain, may sinabi pa si Doktora kay Sam.

“Sam ihanda mo ang iyong sarili. Ikaw ang mag­ma-manage ng aming  hospital sa future. Naniniwala ako sa kakayahan mo.’’

Hindi makapaniwala  si Sam. Hindi pa siya nakakapagboard exam pero eto at naghihintay na ang magandang kapalaran.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

AYA

DOKTORA

DOKTORA SOPHIA

E TITA

OPO TITA

SHY

TITA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with