^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (408)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“IKAKASAL na kami ni George next month,” masayang sinabi ni Julia kay Aya. “Isa ka sa bridesmaid, Aya.”

 â€œTalaga? Ginulat mo ako, Julia. Hindi ko akalain na ang babaing pakakasalan pala ni George ay ikaw…’’

Napangiti lang si Julia. Hindi na niya dapat pang sabihin kay Aya na si George ang ginamit niya para sirain sana ang relasyon nila ni Sam. Ang nakaraan ay hindi na dapat pang buhayin. Tapos na iyon. Napagsisihan na niya. Gusto na niyang maging maganda ang relasyon   nila ni Aya at Sam. Hindi  na sila mga bata. Tama na ang pagkakamali.

“Kayo ni Sam, kailan kayo pakakasal?” tanong ni Julia.

“Pag lumabas ang result ng Medical board exam next year. Kukuha na next week ng board exam si Sam.”

“Tiyak malaking selebrasyon ang mangyayari, Aya. Tiyak ko topnotcher si Sam. Matalino si Sam.”

“Iyan din ang dalangin ko, Julia. At sa kasal namin, isa ka rin sa bridesmaid.’’

“Salamat, Aya.’’

“Ano ang balak n’yo ni George pagkatapos ng kasal n’yo?”

“Sabi ni George, kung gusto ko raw na magtungo kami sa Canada o Australia, payag siya. Kasi nasabi ko kay George na noon pa ay mayroon na akong papeles patungong Canada. Ang pinagtatrabahuhan ko kasi ay mga nagpa-pro­cess ng mga nagtutungo abroad kaya madali para sa akin na makapunta roon. Pero siguro iisipin ko rin. Si George pa rin ang may final say. Kasi, mayroon siyang malaking palaisdaan sa Pampanga at Bulacan. Nagsu-supply siya ng isda sa isang malaking restaurant. Kung maganda ang negosyo niya, baka i-shelved ko ang plano sa abroad. Pag-iisipan namin. Pero kung matuloy yun, baka matagal pa.”

“Baka naman, sa kasal namin ay paalis kayo. Magagalit ako sa inyo ni George.’’

Nagtawa si Julia.

“Hindi uy! Kung sakali, aalis lang kami kung ka-sal na kayo ni Sam.’’

“Pangako yan ha?”

“Oo.’’

Marami pang pinag-usapan sina Aya at Julia. Sina Sam at George naman ay nag-uusap sa di-kalayuan. Masaya rin ang pag-uusap ng dalawa.

Hatinggabi na nang umalis sina George at Julia. Mahigpit ang kanilang pagpapaalaman. Lubos na lubos na ang kanilang pagkakaibigan. Wala nang problema kahit katiting.

(Itutuloy)

AYA

GEORGE

JULIA

KASI

PAG

PERO

SAM

SI GEORGE

SINA SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with