^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (399)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANATILING nakatayo ang mahiwagang lalaki na may-ari ng dalawang mata na kanina pa nakasubaybay kay Julia. Siya rin yung nakatabig sa dumb bell na gumawa ng ingay kanina. Alam niya na narinig ni Julia ang ingay. Malakas ang pagkakata­big niya dahil kumalabog. Akala niya, lalabas na si Julia­ makaraang matabig niya ang dumb bell. Sa pagkataranta niya ay sa kuwarto siya ni Julia napapasok at nagtago sa cabinet ng mga damit. Halos isiksik niya ang katawan sa loob. Mainit pero tiniis niya. Balak na sana niyang lumabas sa cabinet pero eksakto namang tapos na si Julia sa paliligo. Nanatili siya sa loob ng cabinet hanggang sa pumasok na nga si Julia. Halos hindi siya humihinga sa loob. Sana’y hindi buksan ni Julia ang cabinet para kumuha ng damit. Hindi nga kumuha ng damit si Julia dahil piniling nakahubad. Nagpa­salamat siya. Nasubaybayan niya ang ginagawa ni Julia. Nagpahid ng lotion sa buong katawan. Nakita niya ang makinis na katawan ni Julia. Napagmasdan niya ang magaganda at maya­yabang na suso ni Julia. Tunay na tunay. Napalunok siya. Parang hindi na siya tatagal na nakatingin lang kay Julia.

Mas lalo pa siyang nakaramdam na tila sinisi­laban sa init nang mahiga si Julia sa kama at bahagyang iniangat ang kanang tuhod. Napagmasdan niya ang “hiyas”. Hindi halos siya humihinga.

Nang makita niyang natutulog na si Julia, saka siya dahan-dahang lumabas mula sa cabinet. Nakahinga siya nang makalanghap ng hangin.

Pinagmasdan niya si Julia. Walang kasingganda!

Isang pasya ang ginawa niya. Hindi na siya tatagal pa sa nararamdaman. Tinabihan niya si Julia. Nalanghap niya ang mabangong katawan nito.

Saka idinako niya ang mga labi sa labi ni Julia. Napaka-nipis ng labi. Malambot. Marahan lamang ang paghalik niya. Gumapang ang kamay niya patungo sa dakong dibdib. At nadama niya ang magaganda at mayabang na “boobsie” ni Julia. Hinagod. Paulit-ulit.

“Samm, Sammm!”’ sabi ni Julia na umuungol.

(Itutuloy)

ALAM

BALAK

GUMAPANG

HINAGOD

JULIA

NAPAGMASDAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with