^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (387)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IPINAKITA ni George ang mga kuhang photo na nasa kanyang iPhone.

“O tingnan mo, Jules. Ito ang katibayan.’’

Halos lumuwa ang mga mata ni Julia sa pagkakatingin sa mga kuha.

“Oo nga!’’

“O eto pa. Tingnan mo naman ang posing namin.’’

“Oo nga pero bakit hindi ka nakaakbay. Di ba sabi ko nakaakbay ka.’’

“Ano ba naman ang pagkakaiba kung naka-akbay ako o hindi? Ang mahalaga e magkasama kami.’’

“Ano ‘to selfie?”

Napalunok si George. Hindi naman iyon selfie.

“Hindi. May pinakiu-sapan akong kunan kami.’’

“Sino?”

“Katulong ni Aya sa condo unit niya.’’

“May katulong siya?’’

“Oo.’’

Napatangu-tango si Julia.

Nag-iisip naman si George sa mga maaari pang itanong ni Julia.

“Paanong ginawa mo  at napasagot mo agad  ang babaing ito?”

“Secret. Meron ba namang makakatanggi sa akin. Ikaw lang naman  ang walang bilib sa akin.’’

“Dati yun pero nga-yon ay bilib na ako sa’yo George.”

“Talaga?’’

“Oo.”

“E di puwede na akong maningil, Jules. Di ba ang sabi mo kapag na-dala ko ang picture e babayaran mo na ako.  Sa isang linggo pa nga ang sinabi mong deadline pero nga-yon dinala ko na sa’yo. Babayaran mo na ba  ako, Jules.’’

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha     ni Julia. Parang may problema.

“Babayaran na talaga sana kita ngayon George pero…’’

“Pero ano, Jules.’’

Inilapit ni Julia ang bibig sa kanang taynga ni George. May ibinulong.

“May mens ako George. Kanina lang. Para mapatunayan mo, ipasasalat ko sa’yo ang napkin.’’

Biglang si George naman ang nagbago ang mood. Nakasimangot. Pero walang magawa.

“So kailan, Jules?”

“After one week na para siguradong walang-wala na.’’

“Isang linggo pa pala akong maghihintay.    Akala ko ngayon na. Atat na atat pa naman ako. Sana next week ko na   rin pinakita ito sa’yo.’’

“Isang linggo lang      naman. Tiis ka lang muna, George.”

(Itutuloy)

 

ANO

BABAYARAN

BIGLANG

GEORGE

JULES

JULIA

NAMAN

OO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with