^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (385)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HI, Aya!” Bati ni George.                    

Nakangiti si Aya na binati rin si George. Pinaupo si George at Sam. Nang makaupo ay nagsimula nang gumiling ang script nina Sam at George.

“Kaklase ko siya noong elementary sa probinsiya. Nang mag-high school ay dito na sa Maynila. Hindi na rin umuwi sa probinsiya. Tapos ay nag-Saudi. Tama ba ako, George?” Sabi ni Sam na parang totoong-totoo.

“Oo, sa Riyadh ako   nag­trabaho. Sa Dairy Farm. Sa Al-Marai.’’

“Ah. Matagal ka rin doon?” Tanong ni Aya.

“Oo. Ten years.’’

“Sam di ba ang mama mo sa Riyadh din noon nag-work.’’

“Ah oo. Nag-DH si Mama roon.’’

“Paano kayo nagkita ni George, Sam?”

“Aksidente lang. Palabas ako sa review center at siya naman ay mag-iinquire.”

“Magre-review ka rin, George.’’

“Hindi ako. Yung pamangkin ko.’’

“Ah okey. Akala ko ikaw ang magre-review para sa Medical Board Exam.”

“Hindi. Mukha ba akong Doktor.’’

“Medyo.’’

“Hindi ko nga nakilala si George, Aya. Kasi sipunin ito noong Grade 6 kami. At saka patpatin din.’’

“Ikaw din hindi ko nakilala. Mabuti at natandaan ko yang magaganda mong mata na parang sa Arabo. At lalo kang gumuwapo.’’

Nagtawanan.

“O sige para masarap ang kuwentuhan ay maghahanda ako ng pagkain,” sabi ni Aya.

“Huwag na Aya at kakain lang namin ni George.’’

“Oo nga Aya.’’

“Himagas na lang. Gusto n’yo halo-halo. May naka-prepare na akong sahog diyan.’’

“Okey sige,” sabi ni Sam.

“Sige, wait lang kayo.’’

Nang magtungo si Aya sa kitchen ay nagbulungan ang dalawa.

“Nagulat ako sa mga  inimbento mo, Sam. Ma­buti na lang at magaling akong sumagot.’’

“Basta huwag kang kakabahan.’’

“Paano mo kami kukunan ng picture, Sam?”

“Akong bahala  mamaya. Basta huwag kang pahahalata.’’

Ganun nga ang ginawa ni Sam. Palihim na kinu­nan ang dalawa habang nagkukuwentuhan. Kailangang matupad ang plano ni George kay Julia.

(Itutuloy)

 

AYA

GEORGE

MEDICAL BOARD EXAM

NANG

OO

PAANO

RIYADH

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with