^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (355)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI mapakali si Sam habang nakaupo sa sopa at nanonood ng TV. Hindi sa pinanonood nakatuon ang kanyang atensiyon kundi sa maraming bagay. Una ay kay Aya na alam niyang naghihintay sa kanya. Pangako niya kay Aya na mga alas singko ay nasa bahay na siya. Balak pa nga niyang ibili ng pasalubong si Aya kanina kung hindi sila nagkita ni Julia. Hindi naman niya magawang tawagan o i-text si Aya. Ano ang sasabihin niyang dahilan at wala pa siya sa bahay? Tiyak itatanong ni Aya kung nasaan siya at bakit hindi siya nakarating sa oras.

Hindi malaman ni Sam ang gagawin. Kawawa naman si Aya. Tiyak na hindi kakain kapag hindi siya kasabay. Sinisi niya ang sarili kung bakit hindi nakagawa ng paraan kanina nang makita si Julia. Sana, sinabi na lang niya ang totoo na naghihintay sa kanya si Aya. Sana hindi na siya nagpatianod. Maari naman siyang tumanggi sa anyaya ni Julia para kumain.

Isa ring nagpapagulo sa kanya ay ang tanawing nakita sa bedroom ni Julia. Napakaganda pala ni Julia kapag naka-bra at panty. Seksi pala talaga. Ang pagkaseksi ni Julia ay yung tipong madaling makaakit ng lalaki. At inaamin ni Sam, naaakit siya ni Julia. Sino ba naman ang hindi maaakit ng katakam-takam na katawan ni Julia? Perpekto ang mga suso. Tamang-tama ang laki at lusog. Napakaliit ng baywang. Parang inukit ang kurbada ng katawan. Napansin niya na mamasa-masa ang mga labi ni Julia. Natikman na ni Sam ang mga labi ni Julia. Masarap halikan. Natatangay na siya noong maghalikan sila ni Julia sa bahay ng kapatid nito sa Sulucan. Kung hindi dumating ang kapatid ni Julia ay baka may nangyari sa kanila. Puwedeng mangyari ang iniisip niya kapag naihiga niya si Julia sa sopa. Pero dumating ang kapatid na babae ni Julia at hindi nangyari ang kinasasabikan niya. Pero nagpapasalamat na rin siya at walang nangyari sa kanila. Ayaw niyang masaktan si Aya. Si Aya ang tanging nag-iisa sa kanyang puso. Si Julia, natutukso lamang siya. Parang nahahalina lamang siya sa katukso-tuksong katawan ni Julia.

Hindi makapagpasya si Sam. Aalis na ba siya o hihinta-ying magising si Julia? Kawawa naman si Aya na naghihintay sa kanya.

Tumayo si Sam. Hawak niya ang cell phone. Tatawagan niya si Aya. Sasabihin niya na parating na siya. Natrapik lang siya. Basta maghintay siya at sabay silang kakain ng hapunan.

Tatawagan na niya si Aya nang maramdaman niya ang mga yabag na papalapit. Mula sa bedroom ni Julia. Gising na si Julia!

“Sam!”

Napaka-ganda ni Julia. Parang lumpiang sariwa!

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

JULIA

KAWAWA

NIYA

PERO

SAM

SANA

SI AYA

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with